Karla Estrada mas lalong sumikat dahil sa pang-ookray ni Vice
Iba talaga ang It’s Showtime kapag nandu’n si Vice Ganda. Surprisingly, ginawa nang panggitna ang portion ng Tawag Ng Tanghalan dahil ayon sa aming source, mas dumami at tumaas pa ang commercial loads ng naturang segment.
Umaabot talaga ng halos 30-45 minutes ang commercial load ng naturang portion kaya’t yung tatlong daily contenders plus yung paghamon sa defending champion ay ginagawang halos tatlong segments.
Winner na winner din sa audience ang walang patumanggang pang-ookray ni Vice kay Karla Estrada kaya’t mas nagiging sikat si Karla among her co-judges. In fact, iba nga ang nagiging hitsura ng portion kapag wala si Vice Ganda.
Aside from this, bumabandera na rin ang portions ng Trabahula na ginawa ng closing portion ng show at siyempre ang opening ng all-male group na Hashtags at ang Singing Mo Ito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.