Natatakot para sa kapatid na papalit-palit ng lalaki
HELLO Manang,
Nais ko po sanang isangguni sa iyo ang problema ko. Gusto ko po sanang mabuo ang relasyon naming anim na magkakapatid. May mga asawa na silang lahat at ako na lang ang single. Ang bunso kasi namin ay ayaw pakingan ang aming pakiusap na magbago na. Paiba-iba ng lalaki, mula ng umalis ang asawa niya dahil nahuli siya na may ibang lalaki.
Natatakot po ako sa dalawa kong pamangkin na dalagita na baka galawin ng lalaki niya. Help me po, manang Pher at mga katropa.
Sender 5943
Hello Sender 5493. Salamat sa pagdulog mo sa amin dito sa Manang ng iyong problema.
Ilang taon na ba ang kapatid mo? Masasabi ba natin na hindi s’ya responsible enough to take care of her own self and children?
If this is the case, then you can express to her your concern. Iparamdam mo sa kanya na handa kang tumulong kung kinakailangan at ipakita sa kanya na mahal mo s’ya, hence the concern. Be available also sa mga pamangkin na sabi mo ay mga dalagita na. Kausapin mo na sila at i-pep talk tungkol sa naayong asal kapag may ibang lalaki na hindi nila kilala at sabihan na huwag maghiwalay kung maari. Maging bantay sa isa’t-isa. Bottomline, you have to remind your sister that her children’s safety should come first and nothing else.
Payo ng tropa:
Kausapin mo nang masinsinan ang kapatid mo without judging her. Kasi sa sandaling maramdaman niya na may panghuhusga sa tono mo, di malayong lalo lang siyang iiwas at lalayo sa iyo.
Tama si manang, you should also talk to your mga pamangkin na maging extra careful sa kanilang mga sarili everytime na merong ibang tao sa bahay nila, especially kung lalaki.
Sandra via Facebook
May problema ka ba sa love life, relasyon sa pamilya o kaibigan, pera o kaya ay sa trabaho, tanungin si Manang at ang tropa at baka sila ay makatulong. I-email ang inyong problema sa bandera.manang @gmail.com o [email protected] o kaya ay i-text ang MANANG, pangalan, edad, lugar at mensahe sa 09999858606.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.