Wala na bang iba? | Bandera

Wala na bang iba?

Arlyn Dela Cruz |February 11,2016
facebook
share this

Wala na bang iba?

Arlyn Dela Cruz - February 11, 2016 - 03:00 AM

NAGSIMULA na sila —officially!

Ang totoo kasi ay matagal na silang nangangampanya. At ang totoo pa niyan, bago pa man ianunsiyo ang kani-kanilang kandidatura, nakatuon na ang kanilang bawat galaw sa kung paano aangat ang kanilang public awareness at acceptability.

Nasaan na kaya ang tunay na kahulugan ng titulong mga lingkod ng bayan?

To occupy the highest position in the country as president is not a bad intention, it’s in fact a noble goal, a patriotic dream even when it is based on truly serving what is best for the country and people.

Pero wag na tayong magbolahan. Hayaan na lang natin sila sa kanilang mga boladas. Pero tayo, ‘wag na nating sabihing sa hanay ng mga tumatakbo sa pagkapangulo ay meron talagang may tunay na layunin para paglingkuran ang bayan at mamamayan.

Masakit aminin tila tayo ay pipili sa hanay ng “lesser evil” ika nga. Doon pa lang talo na tayo.

Hanggang ngayon, isipin ninyo, sa dami ng mga magagaling at matatalinong Pilipino, isama na natin ang mga mabubuti, bakit hanggang ngayon, walang umusbong na bagong pangalan sa pulitika. Tila sila-sila na lang talaga ang may puwang na maging lider ng bansa sa iba’t ibang larangan.

Kung may bumangon mang baguhan, may sabit naman at kwestyunable din ang pinagkukunan ng suporta kundi man ang interes ng nagbibigay sa kanya ng suporta.

Wala bang baguhan na tatayo sa ating harapan na tunay na walang dapat ipaliwanag sa layunin ng mga taong nasa likod n’ya? Walang gugugol ng milyun-milyon o kahit bilyun-bilyong piso pa dahil kaya nila nang ganun-ganun na lamang lalo pa kung ay may interes hindi lamang sa isa kundi sa napakaraming negosyo.

Baguhan o datihan, yung tipong tinubuan na ng sapot sa tagal sa pulitika, walang malaking negosyo na susuporta sa kanila dahil sa naniniwala sa kanilang kakayanan. Andun sila, sumusugal sila dahil sa umaayon sa gusto nila ang galaw ng kandidato o di kaya naman, umaayon sa gusto nila ang kandidato.

The more they give, the more they expect from the candidate should he win in the elections. Ang lagay ganun na lang yun?

This election is like any other elections we had in the past, Marumi ito, partisano at pinagagalaw ito ng makinarya ng mga negosyante na may pansariling interes.

Kung marumi ito tulad ng mga nakaraang halalan, paano ba ito bubuti o aayos o gaganda o Illinis kaya?

Nasa intensiyon ng botante, nasa kanyang pagpapasya sa sandali ng kanyang aktuwal na pagboto.

Anumang palamuti ang ipain o ihain ng mga kandidato para manghikayat ng boto, ako’y naniniwala na mas marami ang matagal nang nakapagpasya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Huwag nating idaos nang ganun-ganun na lamang ang ating dakilang karapatan ng paghatol.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending