PAPANSIN talaga itong si Erap. Biro mo, gagawin daw niyang legal ang jueteng, ang ilegal na sugal na nagpabagsak sa kanya, na bunsod na rin para magalit sa kanya ang senior officers ng Armed Forces(bihira ang nakaaalam nito, pero nang nagpasabog si Chavit Singson, unti-unti at dumami sa senior AFP officers ang nagalit kay Erap, na commander-in-chief nila, kaya nang ingudngod ng mapanirang public opinion si Erap ng dahil sa jueteng, madali na siyang itinapon).
Kapag nanalo si Erap, gagawin niyang legal ang jueteng, para wala nang perang aakyat na amoy-jueteng? Mahina na po ang jueteng at laos na. Inamin na rin mismo ito ng ilang opisyal ng National Police. Wala nang jueteng. Wala nang dilihensiya.
Pinabagsak na ng STL, 3 Digits at EZ 2 (ang tatlong ito ay binobola ng tatlong beses sa isang araw) ang jueteng. Meron pa ring jueteng, pero parang cara y cruz na lang ito, na minsan at sa iilang lugar na lang nakikita.
Iboboto mo ba si Erap dahil sa kanyang paninindigan sa jueteng?
Lito Bautista, Executive Editor – Bandera
BANDERA, 102109
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.