ANGELICA: Nakakahiya! wala na naman talagang makakatalo sa superstar!!!
Si Ate Guy ang matinding kalaban sa ‘best actress’ ng MMFF 2012
Mismong si Dingdong Dantes na ang nagsabi na walang dahilan para magselos si Marian Rivera kina Angel Locsin at Angelica Panganiban.
Ang dalawang Kapamilya actress ang makakasama ni Dingdong sa official entry ng Star Cinema sa MMFF 2012 na “One More Try”.
Say ng Kapuso actor, trabaho lang ang ginawa nila nina Angel at Angelica, at talagang kakaiba naman daw ang naging experience niya sa nasabing project.
Pero aminado si Dingdong na ito na yata ang pinaka-daring na project na nagawa niya.
Kahit sina Angel at Angelica ay aminado na ang “One More Try” na ang pinakamapangahas na pelikula nila.
Say ni Dong, bahala na raw ang manonood kung paano nila ide-describe ang kanilang mga love scene sa movie, pero aniya, bilib na bilib siya sa kanilang direktor na si Ruel
Bayani pagdating sa mga sensitibong eksena, “Maganda at nakaka-excite ang interpretation ni direk Ruel sa istorya, sa bawat eksena namin, tsaka ginawa naming lahat ‘yun dahil may tiwala kami sa kanya. And more than daring, kumbaga, ‘yung morality mo ang at stake for you to be called daring—and nothing physical.”
Wala naman daw masyadong pagkakaiba ang pakikipagtrabaho niya sa mga Kapamilya stars, bukod kina Angel at Angelica, kasama rin nila sa pelikula si Zanjoe Marudo.
“Para sa akin, wala naman talagang pinagkaiba, pareho lang.
Nagkaiba lang ng tatak, kumbaga sa brand. Pero, the same, from the crew to everyone.
Nakakatuwa lang kasi I get to experience working with another network, and with another film outfit. Second ko nga ito sa Star Cinema,” sabi pa ni Dong.
Ang una niyang Star Cinema project ay ang “Segunda Mano” na naging entry rin last year sa MMFF kung saan nakasama rin niya si Angelica.
Hirit pa ni Dingdong tungkol sa kanilang pelikula, more than the sexy scenes, mas kailangan daw abangan ng mga manonood ang kakaibang istorya ng “One More Try” dahil para rin daw ito sa buong pamilya.
“It’s really a family drama. Actually, nu’ng umpisa, I think parang medyo sa ganung direksyon nila gusto.
But since film festival siya, at gusto naming mas mag-cater sa mas maraming tao, sa pamilya…kumbaga, it slowly turned into a family drama talaga,” ani Dingdong.
Kasama rin dito sina Carmina Villaroel, Agot Isidro, Edward Mendez at Gina Pareño. Showing na ito sa Dec. 25.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.