Golden State Warriors ginulat ng Denver Nuggets | Bandera

Golden State Warriors ginulat ng Denver Nuggets

- , January 15, 2016 - 01:00 AM

DENVER — Tinalo ng Denver Nuggets ang nagdedepensang kampeong Golden State Warriors, 112-110, kahit pa umiskor ng 38 puntos ang reigning Most Valuable Player na si Stephen Curry kahapon sa NBA.

Gumawa si Danilo Gallinari ng 28 puntos para pangunahan ang  opensa ng Nuggets na pinutol din kahapon ang seven-game winning streak ng Warriors.

Ito ang ikatlong talo ng Golden State sa 39 games sa season na ito.

Si Will Barton ay umiskor ng 21 puntos at si Gary Harris ay nagdagdag ng 18 para sa Nuggets.

Si Harrison Barnes naman ay may 18 puntos at si Klay Thompson ay may 17 para sa Warriors.

Nagpakawala ng 19-5 rally ang Denver sa third quarter para lumamang ng 10 puntos papasok sa fourth quarter.

Sinubukan naman ni Curry na maagaw ang panalo ngunit hindi sumapat ang 20 puntos na kanyang nagawa sa final period.

Hinahabol ng Warriors ang all-time single-season record na 72-10 na naitala ng Chicago Bulls noong 1996.

Thunder 108, Mavericks 89
Sa Oklahoma City, nagtapos si Kevin Durant na may  29 puntos at 10 rebounds para pangunahan ang Oklahoma City  sa tambakang panalo kontra Dallas.

Na-eject naman sa second quarter si Thunder superstar Russell Westbrook matapos na matawagan ng dalawang technical fouls. Nilisan niya ang laro na walang score ngunit may pitong rebounds at walong assists.

Nag-ambag naman ng 20 puntos at 11 rebounds si Serge Ibaka para sa Thunder.

Nagdesisyon naman si Dallas coach Rick Carlisle na pagpahingahin at huwag paglaruin ang mga starters na sina  Dirk Nowitzki, Wesley Matthews, Chandler Parsons, Deron Williams at Zaza Pachulia.

Celtics 103, Pacers 94
Sa Boston, si Isaiah Thomas ay tumira ng 28 puntos at si Jae Crowder ay napantayan ang kanyang career high na 25 puntos para sa Boston na pinatid ang four-game losing streak kahapon.

Si Amir Johnson ay nagdagdag ng 14 puntos at season-high 18 rebounds para sa Celtics na nanalo sa unang pagkakataon kontra Pacers sa season na ito matapos na mabigo sa unang dalawa nilang pagtutuos.

Si Paul George ay may  23 puntos para sa Pacers, na suot ang makalumang  Hickory High School uniforms na ginamit din sa pelikulang “Hoosiers.”

Nets 110, Knicks 104
Sa New York, umiskor ng 20 puntos si Brook Lopez at kumulekta ng 19 puntos at 11 rebounds si Thaddeus Young para pangunahan ang Brooklyn Nets sa labanan ng dalawang New York teams.

Pinutol din ng Nets ang kanilang five-game losing skid.

Ito rin ang unang panalo ni interim coach Tony Brown na humalili kay coach Lionel Hollins matapos itong patalsikin ng koponan.

Hindi naglaro kahapon ang leading scorer ng Knicks na si Carmelo Anthony dahil sa natamong sprained ankle noong Miyerkules.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Nagbida naman para sa Knicks si Derrick Williams na napantayan ang kanyang career high 31 puntos.
Ang rookie sensation ng New York na si Kristaps Porzingis ay tumira ng 5-of-17 field goals at nagtapos na may 12 puntos at 10 rebounds.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending