Kris swerte sa career at negosyo pero walang lovelife | Bandera

Kris swerte sa career at negosyo pero walang lovelife

Ervin Santiago - December 03, 2015 - 02:00 AM

kris bernal

WALA na raw tatalo sa kasiyahan ni Kris Bernal ngayon sa kabi-kabilang blessings na natatanggap niya.
Very blessed daw ang kanyang career at ang kanyang pinakabagong negosyo, ang Adobo Classics.

Kaya naman, susulitin niya raw talaga ang lahat ng mga oportunidad na dumarating sa kanya.
Kaya kahit walang lovelife, feelign complete pa rin ang dalaga dahil sa maraming blessings na dumarating sa kanya.

Happy si Kris dahil sa magandang pagtanggap ng mga manonood sa GMA Telebabad series nilang Little Nanay kung saan kasama rin sina Superstar Nora Aunor, Eddie Garcia, Mark Herras, Gladys Reyes, Keempee de Leon at marami pang iba.

Nagpasalamat din ang Kapuso actress dahil sa mga magagandang komento na natatanggap niya sa kanyang pagganap bilang isang mentally-challenged na dalagang ina sa Little Nanay.

Sa pagpapatuloy ng kuwento ngayong gabi ng nasabing serye, nahihirapan pa ring mag-adapt si Chiechie (Chlaui Malayao) sa ‘di normal na kundisyon ng kanyang Nanay Tinay (Kris) at minsan ay nagaaway pa rin silang dalawa.

Pero sa paggabay nina Annie (Nora), Berto (Bembol Roco), Peter (Mark) at Bruce (Juancho Trivino), nagagawa pa ring magkabati at ma-ging masaya nina Tinay at Chiechie.

Nangingibabaw pa rin ang pagmamahal at unti-unting natutunan nina Chiechie at Tinay na maging Little Nanay sa isa’t isa. Handang ipagtanggol ni Chiechie si Tinay sa sinumang aapi sa kanyang nanay lalo na’t hindi pa rin matanggap ng mga ka-baranggay ni Tinay ang kanyang kundisyon na Intellectual Disability o ID.

Sa kabila naman ng pagtutok kay Tinay ay hindi pa rin nawawalan ng kanya-kanyang lovelife sina Peter at Bruce. Pero nagagawa nilang isakripisyo ang mga pangarap sa buhay para unahin ang kapatid at ang pamangkin.

At tulad ni Bruce, nagagawa niyang bitawan ang babae kapag hindi nito kayang unawain ang kalagayan ng kapatid. Hindi niya kayang ipagpalit ang kapatid sa babaeng hindi kayang tanggapin ang kundisyon nito.

Sa kabilang banda, unti-unti nang natatanggap ng mga tao sa kanilang barangay ang kundisyon ni Tinay.
Samantala, si Don Miguel (Eddie Garcia) naman, nagdesisyon nang ipatigil ang paghahanap sa nawawalang anak na si Lorna.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending