Mama Mary nagparamdam daw sa loob ng simbahan; Ai Ai nag-iiyak | Bandera

Mama Mary nagparamdam daw sa loob ng simbahan; Ai Ai nag-iiyak

Julie Bonifacio - November 28, 2015 - 02:00 AM

aiai delas alas

VERY emotional ang nag-iisang Comedy Concert Queen na si Ai Ai delas Alas towards the end ng concert na “For The Love of Mama Mary” na ginanap sa MOA Arena last Monday.

Huma-gulgol ng iyak si Ai Ai habang nagsasalita bilang tribute kay Virgin Mary kasabay nang pagprusisyon ng rebulto nito sa gitna ng Arena. Binabasa pa lang daw niya ang script during rehearsal ay umiiyak na siya. Pero iba pa rin daw talaga kapag aktwal na.

“Tsaka nakita ninyo naman may usok tapos ang ganda-ganda ng kumakanta. Tapos nandiyan si Mama Mary. Alam ninyo naman na Marian devotee ako. So, ang dami-dami kong dinaanan na alam ko na siya ang talagang bumuhay sa akin kung paano lumaban, alam kong nandiyan siya.

“Kasi ‘di ba alam ninyo naman na adopted ako. Tapos ‘yung nanay ko palaging nagwo-work. So, wala akong mapagsabihan ng problema ko. Siya lang talaga and si Lord. Kaso hindi naman sila sumasagot, ‘di ba? Pero nangyayari na lang.

Totoo ‘yun,” diin niya.Nagkaroon na raw kasi siya ng personal experience noong minsan magsimba siya sa Manaoag Church. Sey ng komedyana, “Ewan ko kung nakwento ko ‘to sa inyo pero nilagay ko ‘to sa Instagram.

Nu’ng time na sobrang-sobrang katatapos lang ng marriage, ‘yung failure ng marriage ko, nagsimba ako sa Manaoag. Tapos sobrang ang sakit-sakit. Sabi ko, ‘Ma, yakapin mo naman ako para maramdaman ko na naririnig mo ako?’ Tapos sabi ko, kailan kaya mangyayari ‘yun?”

Kwento pa niya, “Baka naman kapag niyakap ako ni Mama Mary ako naman ‘yung tumakbo. Parang sinasabi ko, ‘Hindi, huwag na lang.’ Alam mo ang nangyari? Nag-communion ako, hindi ko kilala ‘yung pari ha. Wala akong kilalang pari doon sa Ma-naoag.

“Niyakap ako noong pari. Sabi sa akin, ’I love you, Ai Ai.’ Kinilabutan ako. Natakot ako. Sabi ko, ‘Eto naman, si Mama Mary naman. Huwag naman agad-agad ganoon. Pwede next week naman.’ Ha-hahaha.”

Kinlaro rin ni Ai Ai na never siyang nag-doubt sa power ng Diyos. Pero inamin niya na nagtatanong siya kung bakit may mga bagay na ayaw natin ang siyang dumarating sa buhay ng tao.

“Di ba sabi nila masama kwestyunin ang Panginoon. Pero ako sa sobrang daming nangyari sa buhay ko, sabi ko, ‘Bakit ganoon? ‘Di ba sabi mo kapag mabait ‘yung tao hindi ganito? Bakit ako lahat naranasan ko? Eto, eto, eto.’

Sunud-sunod talaga. Siguro anim ‘yun, ‘di ko na lang sasabihin. “Sabi ko, ‘Lord, bakit ganoon? Wala naman akong ginagawang masama? Sabi ko, ‘Mabait naman akong tao. Bakit ganoon?’ Tapos siguro sabi Niya, ’Ano ka ba? Nakakalimutan mo naman ang sinabi ko, trust me.

Always trust me.’ Kasi ‘di ba, nangarag din ako nu’ng first showing ng ‘Ang Tanging Ina.’ Naalala ninyo ‘yun? Doon ko natutunan ‘yung trust me. “Sabi ko, ‘Lord, 13 years na akong naghintay ng solo movie ko.

Sana nga po huwag umulan.’ O, ‘di ba ‘Neng, ano’ng nangyari? Signal no. 3, ‘day. Sino ang mag-aakala na magiging blockbuster ‘yun, sa gitna ng bagyo, ‘di ba?” pahayag pa ni Ai Ai.

Anyway, hagalpakan ang audience every time magpa-punchline si Ai Ai. Kering-keri niya ang audience, in fairness. Wala pa ring kupas ang Co-medy Concert Queen. Nilinaw naman niya na hindi ang “For The Love of Mama Mary” ang last concert niya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Gagawa pa ako ng last concert ko, hindi ‘to. Siguro next year or two years from now. Ire-ready ko lang ‘tong dalawang anak ko na mga papalit sa akin. Eto si Alden Richards without dimples,” sabay yakap niya sa panganay na anak na si Sancho.

Aminado si Ai Ai na hindi na siya bata. Hindi na raw niya keri lalo na ang mga lifting-lifting at pahagis-hagis na moves sa stage. But definitely, sa Arena niya gagawin ang kanyang last solo concert…sa tamang panahon.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending