Ser Chief pumayag maging kontrabida ni Coco sa Ang Probinsiyano | Bandera

Ser Chief pumayag maging kontrabida ni Coco sa Ang Probinsiyano

Reggee Bonoan |November 13,2015
facebook
share this

Ser Chief pumayag maging kontrabida ni Coco sa Ang Probinsiyano

Reggee Bonoan - November 13, 2015 - 03:00 AM

RICHARD YAP AT COCO MARTIN

RICHARD YAP AT COCO MARTIN


MARAMING nagtatanong sa aming TFC subscribers kung bakit tinanggap ni Richard Yap ang papel na kontrabida sa Ang Probinsiyano ni Coco Martin. Hindi gusto ng mga tagahanga ni Richard sa ibang bansa na maging kontrabida siya dahil hindi raw ito bagay sa aktor – kilala raw kasi siyang lover boy at nagpapakilig ng viewers.

Ikinatwiran namin na gustong subukan ng aktor ang mga off beat role para makita naman ng manonood na may iba pa siyang kayang gawin bukod sa magpakilig. Actually curious din kami kung ano nga ba ang magiging papel ni Richard sa Ang Probinsiyano?

Naisip namin na baka sa kanya muna mag-focus ang kuwento ng serye habang ang isa pang main cast sa serye na si Albert Martinez ay balik-taping para sa afternoon series na All Of Me bilang si Manuel.

Anyway, siguradong ang isa sa mga idadahilan ni Richard Yap kung bakit siya pumayag maging kontrabida sa Ang Probinsyano ay dahil si Coco Martin nga ang bida rito. Bihira nga naman sa isang artista ang mabigyan ng chance makatrabaho ang tinaguriang Teleserye King ng bansa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending