GF ng adik na actor umiiskor din pala | Bandera

GF ng adik na actor umiiskor din pala

Den Macaranas - November 11, 2015 - 03:00 AM

BAGO mahuli ang lahat ay nagising sa katotohanan ang isang sexy at young actress na muntik nang masira ang buhay at career dahil sa illegal drugs.

Kinausap siya ng kanyang mga kapamilya at mga kaibigan na talikuran na ang bisyo na kanyang nakuha mula sa adik na boyfriend na isa ring aktor.

Sinabi ng ating Cricket sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na namomonitor nila ang madalas na pagbili ng droga ng young actor sa isang pusher na kilala sa showbiz world.

Nang malaman ng aktres na pwede silang ma-entrap dahil sa pagbili at paggamit ng droga ay saka lamang daw ito nahimasmasan.

Nitong mga nakalipas na buwan ay marami ang nakapansin sa tila’y pagiging tulala ng aktres.

Marami rin siyang linya sa kanyang TV show ang hindi niya nasasaulo dahil sa pagiging tulala at wala sa sarili.

Nabisto ang lahat nang minsan siyang mahuli na umiiskor ng droga sa loob mismo ng kanyang sasakyan sa isang location shooting.

Katakot-takot na sermon at mura ang inabot niya sa kanyang manager at producer dahil sa insidenteng iyun.

Doon na nga umamin ang aktres na natutunan nya ang paggamit ng droga sa kanyang BF na dati na ring ipinasok sa rehab.

Hindi nadala ang lalaking ito kaya balik na naman siya sa masamang bisyo na malayong-malayo sa kanyang image sa telebisyon at pelikula.

Pero ngayong break na sila, marami ang umaasa na magiging maayos na ulit ang career ng aktres na minsan ding natsismis na buntis.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Clue? Wag na lang.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending