Ex-dyowa ni Vice Ganda umamin: Di mawawala ang love ko sa iyo! | Bandera

Ex-dyowa ni Vice Ganda umamin: Di mawawala ang love ko sa iyo!

Reggee Bonoan - November 10, 2015 - 02:00 AM

vice ganda

Na-shock si Vice Ganda nang marinig ang recorded message ng isa sa mga ex-boyfriend niya sa nakaraang episode ng Gandang Gabi Vice last Sunday.

“Hi Vice, gusto ko lang sanang mangamusta nakikilala mo ba boses ko? Nung nagsisimula ka palang sa TV, ako ‘yung driver at sweet lover pero bago ‘yun siyempre napansin mo ang kagwapuhan ko nu’ng waiter pa lang ako sa comedy bar,” ang mensahe ng lalaki sa TV host-comedian.

Nagpasalamat din ito sa kabaitan ng komedyante kahit na noong nag-break na sila, “Gusto ko lang magpasalamat kasi magkaibigan pa rin tayo. Kung ano man ‘yung pinagawayan natin at naging dahilan ng paghihiwalay natin noon, kinalimutan na natin.

“Gusto ko lang din malaman ng mga tao kung sino ka talaga sa totoong buhay kasi napapanood ka nila sa TV akala nila mahirap kang abutin, mayabang ka pero ang totoo masarap kang magmahal at mag-alaga.

“Basta salamat sa lahat sa pagmamahal mo pati sa anak ko, dahil sayo hanggang ngayon nakakapagaral parin siya. Hindi mo parin siya pi-nababayaan,” sabi pa nito.

Hirit pa ng guy, “Basta tandaan mo, marami mang nagbago sa atin, may jowa na ako, ikaw alam naman natin may jowa ka na rin. Pero ako, hindi mawawala ang pagmamahal ko sa ‘yo.”

At ito naman ang nasabi ni Vice matapos marinig ang mensahe ng dating boyfriend, “Swerte kasi ako sa jowa, ‘yung mga naging jowa ko puro mga matitino, mababait kaya matatagal.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending