Nahihirapang mamili sa dalawang BF (2) | Bandera

Nahihirapang mamili sa dalawang BF (2)

Joseph Greenfield - October 25, 2015 - 03:00 AM

Sulat mula kay Jhona ng Blumentritt, Murcia, Negros Occidental
Problema:
1. Naguguluhan ako sa ngayon kasi dalawa ang boyfriend ko na pareho kong mahal kaya nahihirapan akong mamili kung sino ang dapat kong piliin sa kanila. Sa totoo lang kung dalawa lang ang puso ko pareho ko silang iibigin at pakakasalan, kasi pareho silang mabait at mabuti sa akin, ang kaso iisa lang ang puso ko.
2. Kaya naisipan kong sumangguni sa inyo, kasi sa edad kong 27 na sa darating na November 19, gusto ko na sanang mag-asawa next year. Sa palagay n’yo sino sa dalawang boyfriend ko na ito ang dapat kong piliin at pakasalan. Ang una po ay si Mr. Aquarius na isinilang noong February 3, 1986 at ang ikalawa naman po ay si Mr. Cancer na isinilang noong July 16, 1987, habang November 19, 1988 naman ang birthday ko.
Umaasa,
Jhona ng Negros  Occidental
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ayon sa zodiac sign mong Scorpio, (Illustration 2.) ang nagsasabing ang tunay at talagang ka-compatible mo sa dalawa mong manliligaw ay si Mr. Cancer na isinilang noong July 16, 1987. Sapagkat ang Cancer at Scorpio ay nagtataglay ng iisang elementong tubig o water. Ibig sabihin, kapag siya ang napangasawa mo, magkakasundo kayo at magiging maligaya ang inyong relasyon.
Numerology:
Kung ano ang sinasabi ng Astrology halos ganoon din ang sinasabi ng Numerology kung saan, ang birth date mong 19 na may ruling planet na Sun ay sakto namang tugma sa birth date na 16 ni Mr. Cancer na may ruling planet na Neptune. Tugma rin ang pagiging strong number ng birth date mong 19 at weak number naman ang birth date na 16 ni Mr. Cancer, ibig sabihin kung kayo ang magkakatuluyan, tunay ngang magiging balanse at maligaya ang inyong samahan.
Luscher Color Test:
Kung sino sa dalawang manliligaw mo ang madalas magsuot ng berde at dilaw, tiyak ang magaganap ang lalaking nabanggit na lalaki ang
iyong makakatuluyan at makakasama ng pang habang buhay.
Huling payo at paalala:
Jhona ayon sa iyong kapalaran, ang makakatuluyan mo sa dalawang boyfriend mo ay si Mr. Cancer. Ang nasabing pag-aasawa ay nakatakdang maganap sa susunod na taong 2016 sa buwan ng Hunyo o kaya’y Disyembre, sa edad mong 27 pataas, kung saan, ang nasabing pag-aasawa ang siya na ring maghahatid sa iyo at sa lalaking iyong pakakasalan sa isang maunlad, maligaya at pang habang buhay ng pamilya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending