San Beda vs Letran sa NCAA Finals | Bandera

San Beda vs Letran sa NCAA Finals

Mike Lee - October 21, 2015 - 03:00 AM

 

NCAA / October 20,2015   Kevin Racal and Jomari Sollano of Letran beats Allwell Oraeme of Mapua for the rebound , at the MOA arena . INQUIRER PHOTO/AUGUST DELA CRUZ

Laro sa Biyernes
(Mall of Asia Arena)
2 p.m. San Beda vs  Arellano (jrs)
4 p.m. San Beda vs  Letran (srs)
PINANGATAWAN ng San Beda Red Lions at Letran Knights ang pagiging paborito na maglaban sa titulo nang manalo sa mga nakalaban sa Final Four ng 91st NCAA men’s basketball kagabi sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.
Ginamit ng Red Lions ang kanilang lakas sa bench para kalusin ang Jose Rizal University Heavy Bombers, 78-68, matapos manalo ang Knights sa host Mapua Cardinals, 91-90.
Ang Game One sa best of three finals ay lalaruin sa Bi-yernes sa parehong palaruan.
Hinawakan ng Red Lions ang 47-35 bench points advantage at kasama sa kuminang ay si Amiel Soberano na gumawa ng 10 puntos.
Dalawang magkasunod na triples ang kanyang ibinagsak para sa 13-2 palitan upang burahin ng five-time defending champion Red Lions ang 43-48 kalamangan ng JRU.
“I think nobody will criticize me now for using 15 players in the elimination round,” may pagmamalaki ni San Beda rookie coach Jamike Jarin.
Ang Knights ay sumandal sa kanilang mga beterano para makapasok sa Finals sa ikalawang pagkakataon sa hu-ling tatlong taon sa pangunguna ng baguhang coach din na si Aldrin Ayo.
Si Mark Cruz ay mayroong 24 puntos at ang kanyang split sa huling 0.5 segundo ang nagtiyak ng panalo nang ga-win niyang apat ang bentahe ng koponan, 91-87.
“Nobody expected us to be here and that was our motivation,” wika ni Ayo.
Kinapos man ay taas-noo pa rin na nilisan ng Heavy Bombers at Cardinals ng court dahil tunay na naging produktibo rin ang taon para sa kanilang mga koponan. —Mike Lee

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending