Kailan makapaga-abroad si mister? (2) | Bandera

Kailan makapaga-abroad si mister? (2)

Joseph Greenfield - October 21, 2015 - 03:00 AM

Sulat mula kay Gigie ng Sitio Gaboc, Kanlaon City, Negros Oriental
Problema:
1. Matagal nang nag-aaplay ang mister ko sa ibang bansa pero hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nakakaalis. Driver ang kanyang inaaplayan sa Dubai. Sabi sa amin ng agency ay for final interview na raw po siya. Ang kaso ay hindi naman tumatawag ang kanyang magiging employer at almost two months na kaming naghihintay.

2. Ano ba sa palagay nyo, na-fake na kaya kami o may pag-asa pa bang makaalis ang mister ko patungong abroad? Kung makakaalis pa siya, kailan naman kaya ito mangyayari? June 7, 1982 ang birthday ng mister ko at October 1, 1983 naman ang birthday ko.

Umaasa,
Gigie ng Negros  Oriental

Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign na Gemini (Illustration 2.) ng mister mo ang nagsasabing susuwertehin siyang makapag-abroad sa buwan ng Nobyembre o kaya’y Disyembre sa taon ding ito ng 2015. Nakatakda na siyang ma-interview bago matapos ang buwa ng Oktubre.
Numerology:
Ang birth date na 7 ng mister mo ay nagsasabing sa sandaling siya ay nakapag-abroad, magtuloy-tuloy na ang kanyang suwerte sa ibayong dagat. Magpapabalik-balik siya doo hanggang gusto niya, na magiging daan upang tuloy-tuloy na rin siyang umasenso at lalo pang umunlad ang inyong kabuhayan.
Graphology:
Maganda na ang pirma ng iyong mister, kulang na lang ay ang mahabang krokes sa letrang “t”. Sabihin mo sa kanya, habaan dapat ang krokes ng letrang “t” sa kanyang lagda upang lalo pa siyang susuwertehin at lalo pang lumago ang inyong kabuhayan.

Huling payo at paalala:
Gigie, ayon sa kapalaran ng mister mo at siyempre sa kapalaran na rin ng inyong pamilya, hindi ka dapat mainip. Sa halip, magtiyaga lang kayong maghintay ng tawag ng agency sapagkat nakatakda na ang magaganap. Tulad ng nasabi na, sa Nobyembre o kaya’y Disyembre, magaganap na ang isang mabunga at mabiyayang pangingibang-bansa ni mister. Ito ang magiging simulan upang tuloy-tuloy na ring umunlad at lalo pang umasenso ang kabuhayan ng inyong pamilya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending