Brian Poe biglang tumigil sa panliligaw kay Jasmine; ayaw mahaluan ng politika ang relasyon
MAY kumakalat na chika na hindi raw makakaboto sa 2016 presidential elections ang asawa at anak ni Sen. Grace Poe matapos ding kwestyunin ang dual citizenship ng mga ito.
Pero nang makarating ang balitang ito kay Brian Poe Llamanzares ay natawa lamang ito, halata raw na black propaganda na naman ito laban sa kanyang ina na tatakbo ngang pangulo ng bansa sa darating na eleksiyon.
Sey ni Brian, wala raw umanong katotohanan ang intriga na pati sila ng amang si Niel Llamanzares ay hindi maiboboto si Grace dahil sa pagiging dual citizens nilang mag-ama. Sabi ng binata, 2010 pa siya nagsimulang bumoto sa bansa.
Isa raw siya sa mahigit 20 milyong bumoto sa ina nang manguna si Grace sa senatorial race noong halalan ng taong 2013. Nauna nang umangal si Grace sa mga nasabing intriga na ibinabato sa kaniyang mag-ama.
Kwento ng senadora sa isang interview, ang magulang ng kanyang asawa ay parehong Pilipinong doktor na noo’y nag-aaral bilang mga iskolar sa Amerika kaya napadpad sa US. “Pero dahil Pilipino ang kanyang mga magulang, Pilipino siya.
Sabi nga nila, paano ka naman iboboto ng asawa mo eh hindi iyan Pilipino? Hindi po totoo yun. 1986 pa lang bumoto na ang aking asawa dito, 2010, 2013 at sana sa 2016,” paliwanang ni Grace.
Ang dalawa pa niyang anak na babae raw ang hindi maka-kaboto sa kanya dahil wala pa sa legal age ang mga ito. Samantala, marami naman ang nagtatanong kung kukunin ng kampo ni Grace Poe ang aktres na si Jasmine Curtis para iendorso ang senadora.
Umamin si Brian kamakailan na balak niyang ligawan si Jasmine pero marami ang nagsabi na baka gimik lang daw ito dahil nga sa pagtakbo ni Grace. Pero sumusumpa si Brian na walang halong politika ang pag-amin niya in public na attracted siya sa sisteraka ni Anne Curtis.
Pero ang tanong itinuloy pa kaya ni Brian ang panliligaw kay Jasmine? O itinigil muna niya para hindi mahaluan ng intriga at politika ang relasyon nila ng dalaga? Well, your guess is as good as mine.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.