Anong negosyo ang magpapayaman? (2) | Bandera

Anong negosyo ang magpapayaman? (2)

Joseph Greenfield |October 17,2015
facebook
share this

Anong negosyo ang magpapayaman? (2)

Joseph Greenfield - October 17, 2015 - 03:00 AM

Sulat mula kay Ryan ng Cherry Blossom Village, Tambo, Iligan City
Problema:
1. Ako ay isang sundalo pero hindi ako nakakaipon, kaya balak ko sanang mag-negosyo para sa future ng mga anak ko lalo kapag nag sipag-college na sila. Sa ngayon ay may negosyo na kaming piggery sa malawak na lupa ng mga biyenan ko. Pero halos break even lang ang kinikita sa gastos sa pagaalaga ng baboy. Sabi ng misis ko para daw mas lumaki ang aming kinikita ay dagdagan pa namin ito.
2. Ano sa palagay nyo, angkop kaya sa aming mag-asawa ang pagnenegosyo ng baboy o mas dapat sa ibang kalakal naman kami mag-invest? Anong negosyo kaya ang magpapayaman sa aming pamilya? January 17, 1970 ang birthday ko at May 14, 1972 naman ang birthday ng misis ko.
Umaasa,
Ryan ng Iligan City
Solusyon/Analysis
Astrology:
Ang zodiac sign mong Capricorn (Illustration 2.) at Taurus naman si misis ang nagsasabing kapwa nga kayo suwerte ng iyong misis sa mga kalakal na may buhay at inaalagaan. Ibig sabihin ang negosyong piggery, paghahayupan, tulad ng baka, kambing at iba pang kauri nito ay angkop na angkop sa iyong mag-asawa.

Numerology:
Ayon sa birthdate mong 17 at 14 naman si misis ay nagsasabing upang lalong bumilis ang pag-unlad ng inyong negosyo, , kumuha ka ng mga tauhan o kasama na may birth date na 5, 14, at 23, sapagkat ang mga tauhan o kasamang nabanggit ang lalong magpapayaman sa inyong mag-asawa.

Luscher Color Test:
Gumamit ka ng kulay na pula at berde bilang opisyal na kulay ng iyong negosyo at makikita mo, mas mabilis na lalago ang inyong kabuhayan higit lalo sa panahong nasa 50 na ang iyong edad.

Huling payo at paalala:
Ryan ayon sa iyong kapalaran nasa tamang daan ka sa kasalukuyan. Tama lang na dagdagan nyo pa ang puhunan sa negosyong piggery na inaasikasao ninyo ni misis sa kasalukuyan at kung maaari magnegosyo at bumili pa kayo ng iba pang mga uri ng hayop na aalagaan. Sapagkat ayon sa iyong kapalaran sa ganyang paraan nga kayo yayaman, kung saan sa sandaling sinunod nyo ang mungkahing nabanggit na sa itaas, tiyak ang maganaap sa taong 2021 sa edad mong 50 at 52 naman si misis, makikita mo – mayamang-mayaman na kayo!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending