DECISION 2013: Benigno Bam Aquino | Bandera

DECISION 2013: Benigno Bam Aquino

- October 15, 2012 - 04:57 PM

‘Facebook generation meron

dapat sa Senado’

Nina Bella Cariaso and Liza Soriano

SA edad na 35, si Bam Aquino, pinsan ni Pangulong Aquino, ang siyang pinakabatang kandidato pagka-senador sa darating na 2013 midterm elections.

Siya ang ikatlong kandidato ng Liberal Party sa political alliance ng administrasyon.

Hindi lang ang pagiging bata kundi ang kawalang experience sa politika at ang koneksyon sa pangulo ng bansa ay ilan lang sa mga ibinabatong negatibo sa presidential cousin.

Ngunit balewala lang umano ito sa kanya.

Hindi  anya ang kanyang kabataan, ang pagiging pinsan ni Noynoy, kawalan ng experyensa at maging ang panggagaya niya sa kanyang tiyuhin na si Ninoy Aquino ang makakapigil sa kanya na tumakbo sa Senado.Kung tutuusin, ang pagiging bata anya niya ang siyang ultimate reason kung bakit niya nais tumakbo sa Senado – nais niyang magkaroon ng boses ang mga kabataan, o yung mga tinatawag na “Facebook generation” sa Senado.

“Number one, at 35 years old, ako yung pinakabatang tatakbo next year and dun pa lamang malaking bagay na, meron nang magrerepresent sa Senado,” ayon kay Aquino nang bumisita ito sa Inquirer Bandera kamakailan.

Pagiging bata, adbantahe Ipinagmalaki pa ni Aquino na isang adbantahe pa nga ang kanyang pagiging bata kumpara sa ibang mga kandidato.

“When you’re young, you have the freshest ideas, connected na connected ka sa iyong mga constituencies and I’m hope that would be a big edge. The brightest, the most innovative ideas will be coming from the youngest senators.

“Hindi na natin kailangan ang mga solusyong hindi naman gumagana.

Let’s get the best, the most innovative ideas, and hopefully next year, dahil marami ring bagong papasok, sana magiging innovative and fresh Senate when we will push for laws na makabago, progresibo and connected sa taumbayan,” ayon pa kay Bam.

Sinagot din ni Aquino ang isyu sa kanya kung bakit hindi muna niya sinubok ang local politics bago pasukin ang big league.

“The issues of the youth are  national issues, hindi siya pang lokal, when  you talk about education, unemployment, these are national issues, so if you want to represent the youth, mahirap siyang gawin kapag nandun sa isang lugar lamang.

Dapat gawin siya sa pangkalahatan,” paliwanag pa ni Aquino.

Blood connection, copycat
Ipinagtanggol din ni Aquino ang mga banat sa kanya na isang pananamantala sa puwesto ni Pangulong Aquino ang kanyang pagtakbo, at produkto siya ng political dynasty.

“In my case, I don’t really look at it as political dynasty, mayron kaming history of public service, may kasaysayan kaming  serbisyo publiko and I hope I could be part of it. Wala naman akong ikahihiya sa mga nagawa ng mga kamag-anak ko.  In fact they are my inspirations,” giit ni Aquino.

Hindi rin niya itinatanggi na pilit niyang ginagaya ang kanyang yumaong tiyuhin na si Ninoy.  Sa katunayan “talagang pinipilit ko talaga siyang gayahin at wala akong ikinahihiya don.”

Kontra kay PNoy
Kung papalarin sa darating na eleksyon, mga isyu tungkol sa mga kabataan at pangkabuhayan ang magiging adbokasiya niya.

Kasabay nito, iginiit ni Aquino na handa rin siyang kumontra sa mga posisyon ng pinsang president kung kinakailangan.

“San ba kami magkapareho, I think sa tuwid na daan but in terms of some issues, palagay ko naman,  meron naman tayong kalayaan na i-voice out ang mga pananaw natin  sa iba’t-ibang issues, in the same way, na kahit naman sa LP party,  even  this coalition, we are free to speak our minds on issues.  Yun naman ang pinaglaban natin, ang demokrasya,” aniya.

Ibinigay na halimbawa ni Bam ang isyu hinggil sa Cybercrime Law na kung saan kontra siya sa implementasyon nito.

“Marami naman sa aming taga-LP ang nagsabi na it should be amended.  Hoping that within the next two weeks, it will be amended.  Mawala na yung takot ng mga Pilipino, gamit ang very vague provision na yan,” dagdag pa ni Bam.
Hahabol pa rin
Bagamat pang-17th lamang si Bam sa mga survey, kampante siyang makakahabol pa rin sa eleksyon.

“I think we need to convince na kailangan natin ang kabataan sa Senado. It’s up to our team to convince the voters that we need young people in the Senate,” sabi ni Bam.
Aniya, hindi lamang social network ang tinatarget niya, kundi ang mga students council, youth organizations para suportahan ang kanyang kandidatura.

Hihirit din anya siya sa pinsang si Kris na makatulong sa kanyang kandidatura. “I’m hoping lahat ng mga kamag-anak ko will definitely come out,” dagdag pa ni Aquino.

Samu’t saring hirit ni Bam Aquino

BUMISITA kamakailan sa Inquirer Bandera ang presidential cousin at isa sa senatorial bet ng administration alliance na si Paolo Benigno “Bam” Aquino na kung saan tinanong siya kung ano ang kanyang mga opinion sa samu’t saring isyung napapanahon. At heto ang kanyang mga tugon:

RH bill
Ang tingin ko diyan RH bill is a pro-poor bill.

So, because it’s pro-poor, alam mo namang pangalawang haligi ng aking plataporma is poverty, so I’m supporting the reproductive health bill.

I also believe that ang mga Pilipino, they should be free to exercise their beliefs and conscience, kumbaga nasa kanilang kunsiyensiya kung paano nila dadalhin ang kanilang paniniwala.

Divorce
I am against divorce. May provision naman tayo ng separation, yung annulment, although medyo mahirap lang siyang makuha but meron naman provisions for that.

Sin taxes
I’m for sin taxes, palagay ko maraming kabutihan yan.

It might be a deterrent para sa mga products na hindi naman nakakabuti para sa ating mga kababayan.

Kailangan lang nating bantayan ay yung mga farmers natin, hindi ba sila madedehado.

That there are programs that can help them such as if indeed bumaba ang demand para sa produktong nilalabas nila, hindi sila mahirapang masyado as they convert to other crops and provide safety measures para sa kanila.

K to 12 education
Ok yun. I think we are more globally competitive because of K to 12 changes.

Before that, we have the least number of years of education, compared to our ASEAN neighbors, tayo ang pinakonti.

The truth is we live in a global world already, the jobs we are competing for, hindi rin lang ang mga Pilipino…, in fact we are competing with Vietnamese and other countries,   so the fact that we have less years in school, I think, it meant na dehado tayo.

Abortion
Of course, we are against abortion. That’s against the Constitution. So, no compromises diyan.

Logging and mining
In terms of mining and logging, unang-una palagay ko we really need to balance it kasi kumukuha tayo ng resources para kumita tayo ngayon, five to 10 years naman problemado na ang komunidad.

That being said, naniniwala ako na meron namang mga kumpanya ang mga responsible, kailangan lang maging malinaw kung ano ang pagiging responsible mining at responsible logging.

Jueteng
Some form of legalization needs to be done, kagaya ng small town lottery or STL.

Kung tinatanong natin siyempre, ang jueteng ilegal yan, dapat kalabanin natin yan.

Kung may alternatibong gawing legal ang PCSO, we can explore that.

Same sex marriage
I think we need to explore some forms of rights for long term couples,

Charter change
Not now. I will be very careful of having charter change right away.

The best time we can have charter change, when things are very stable, business are doing well.

Peace talks
Well, after many decades of strife, finally, meron na tayong chance for peace with the MILF.

I think this is something that we should be happy with… we should allow our Bangsamoro brothers and sisters to go through the process.

Pork barrel
Medyo torn ako diyan sa totoo lang. Right now kasi, meron namang provision na on how to use your pork barrel.

Unlike before na kung ano ang gusto mong gastusan, pwede…may mga rules na yan.

With these rules in place, with better implementation, it can be used for good things.

Labor exports
Matagal pa bago tayo hindi magresort sa labor export, it is an important part of our economy.

Yung mga Pilipinong ayaw namang umalis ng bayan, the goal is meron silang opportunities dito, pero yung gustong umalis, they should be free to do so.

Pero kailangan secure sila. Let migrating or leaving the country be your choice.

Kung ayaw mo namang umalis, dapat may opportunities naghihintay dito para sa iyo.

Contractualization:
In terms of contractualization, we have to differentiate small and medium enterprises saka yung malalaking kumpanya.

I’m speaking as an entrepreneur. Micro and small enterprises should not be covered by certain provisions of the Labor Code. We need to have a setup na madaling magnegosyo. It is easier to put up a business.

Philippine Sports
Like all Filipinos, I’m hoping that we can get a gold. Kung hindi ako nagkakamali, ang gusto nilang gawin ay magfocus sa certain sports.

I think that is a good idea kasi wala naman tayong resources katulad ng China.

Lahat talaga ng mga athletes nila suportado talaga.

We can choose the sports that we really have a chance on getting medals.

What can you say about the Marcoses?
Next year makakasabay ko na dun si Sen. Bongbong Marcos.

Lahat tayo kailangang gawin natin ang makakaya natin para umangat ang bayan natin.

If it means, in some bills, we can agree, we  can push for certain reforms, why not? But it’s really clear that we won’t agree kung ano talaga ang nangyari sa ating bansa.

How about the Arroyos?
Same answer. In terms of the Marcoses and the Arroyos, justice is justice…obviously if the former president is convicted… — Bella Cariaso, Liza Soriano

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

 

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending