Walang pulitikong 'di corrupt | Bandera

Walang pulitikong ‘di corrupt

Jake Maderazo - October 05, 2015 - 03:00 AM

PANAHON na ng halalan, at sa susunod na pitong buwan, bubuhos ang pera ng mga pulitiko sa mga botante.
Sa kampanya, ipagmamalaki na naman nila ang malinis na pangalan, ang masidhing pagnanais na makatulong sa bayan
Pero sa likod ng mga galaw na ito ay ang kabilang mukha ng mga kumakandidatong pulitiko.
Nariyan ang mga nakaabang na mga paboritong kontratista sa infra projects (gusali o kalye), contractor sa basura, mga supplier sa gamot, at libro ng city hall o munispiyo, services contractor para sa janitorial, security pati na sa canteen o pagkain.
Bawat isa riyan, may cut si mayor ng 15 hanggang 25 porysento, na kung minsan ay advance pa ang bayad.
Kaya nga sa lingguwahe ng mga kontratista, iba-iba ang kalibre ng mga mayor, kongresista at kahit senador.
***
Sa Metro Manila, merong isang mayor na hanggang 30 porsyento hinihinging komisyon sa mga trabahong bayan, at advance pa ang gusto. Meron namang mayor na disente ang dating sa publiko, pero ang asawa naman ang kaliwa’t kanang nakikipag-ayos sa mga kontratista at 25 porsyento ang hinihingi.
Isa ring mayor na pati billboard ay ginawan ng negosyo. Isang “dummy” ang ginamit para mamahala sa lahat ng mga billboard companies na ang isa ay nagbabayad ng P.5 milyon at gusto pang taasan ng P1.6 milyon kada buwan.
Marami ding mayor ang panay ang papogi sa media, pero ang mga asawa, bayaw ang umiikot sa mga kontratista, supplier at iba pa.
Kung tutuusin, may pagkadisente pa itong isang mayor ng Metro Manila dahil 10 porsyento lang ang hinihinging komisyon.
Pero, tila nawala nang lahat yun. Mukhang ang kalakaran talaga ay 20 porsyento pataas, idagdag mo pa sa partihan ang city treasurer, secretary to the mayor, budget officer, auditor at iba pa na sa kabuuan ay 5 porsyento ang tapyas.
Kayat kung matakaw ang mayor at 30 porsyento ang hingin, plus 5 porsyento sa kanyang staff, aba’y 35 porsyento ang bawas agad sa proyekto. Idagdag mo ang 40 porsyento na tutubuin ng kontratista. Wala na talagang matitira sa proyekto, kaya ang siste ampaw ang mga project.

Hindi pa diyan nagtatapos ang kwartahan, nariyan din ang aregluhan sa lokal na “buwis” sa mga negosyante. May “cashunduan” din sa mga malalaking “commercial properties.”
Meron ngang mayor sa Metro Manila na sa halip magtayo ng modernong city hall ay nagtayo ng isang napakalaking “mall” na “joint project?” Meron naman gustong i-privatize ang palengke.
***
Sa koleksyon ng basura lang, bawi na agad si mayor. Halimbawa, P1.5bilyon ang pondo sa basura kada taon. Kung 20 porsyento ang kay mayor, meron siyang P300 milyon kada taon.
Kaya nga gumastos man ng malaki sa dara-ting na halalan, tubong lugaw pa rin.
Ganyan din ang nangyayari sa mga kongresista at mga senador sa kanilang pork barrel at DAP na buti na lang at nabulgar. Pero iyong turu-turo project ng mga mambabatas sa DPWH, DOH at DA, andon pa rin.
Kaya nga, sinasabi ko sa inyo, walang pulitikong hindi corrupt sa panahong ito.
Ang pinag-uusapan na lang ay kung gaano kagahaman ang bawat isa kasama na ang kanilang pamilya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending