Bata ang karelasyon | Bandera

Bata ang karelasyon

Pher Mendoza - September 23, 2015 - 12:59 PM

Manang,

I’m MJ, 20, taga- Imus, Cavite. Hihingi lang ako ng advice kung ano ang gagawin ko. May girlfriend po ako, pero 14 lang siya at nasa-Grade 8. Nang nalaman ng magulang niya ang relasyon namin ay pilit po kaming pinaghiwalay.

Sinabi ko po sa magulang niya na hihintayin ko po ang anak nila hanggang maka-graduate. Pero hindi na po nila pinapasok sa school ang anak nila para mailayo sa akin. Minsan iniisip ko na lang pong itanan ang anak nila. Ako na lang ang magpapaaral sa kanya dahil sobrang mahal ko siya. Tama po ba ang gagawin kong itanan siya? Sana po ay matulungan ninyo ako.

MJ, though naiintindihan ko na in love ka, kayo sa isa’t-isa, please bear in mind she’s just 14 years old.

Napakabata pa n’ya at sa ilalim ng batas, siya ay isang menor de edad. Sa pagkakaalam ko ay maaari ka pang kasuhan at makulong. Kung mahal mo talaga ang GF mo, bigyan mo siya ng oras na makatapos ng pag-aaral, nang naayon sa gusto ng kanyang mga magulang.

Hayaan mo siyang mag-grow. Ang taong totoong nagmamahal ay nagbibigay, hindi makasarili at iniisip ang kabutihan ng taong minamahal.

MJ, mag-isip-isip ka rin at huwag lamang damdamin ang manaig sa iyo. Bata pa siya. Hayaan mo mag-grow pa siya bilang isang indibidwal. Kung itutuloy mo ang pakikipagtanan sa kanya, ano naman ang kinabukasang nag-aantay sa inyo? Napakabata niya at wala pang sariling pag-iisip. Would you think magiging maayos siyang asawa sa iyo? Magiging maayos ba siyang nanay sa mga anak ninyo?

Magdesisyon ka nang tama.

May problema ka ba sa love life, relasyon sa pamilya o kaibigan, pera o kaya ay sa trabaho, tanungin si Manang at ang tropa at baka sila ay makatulong. I-email ang inyong problema sa bandera.manang @gmail.com or [email protected] o i-text ang MANANG, pangalan, edad, lugar at mensahe sa 09999858606.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending