Renz Fernandez, Jef Gaitan mag-asawa na, bigatin ang ‘principal sponsors’
TULUYAN nang naging “wifey” ang aktres na si Jef Gaitan.
Ikinasal na kasi siya kay Renz Fernandez, ang anak ng batikang aktres na si Lorna Tolentino at ng legendary actor na yumaong si Rudy Fernandez.
Naganap ang intimate ceremony sa Las Casas Filipinas de Acuzar sa Quezon City noong June 25.
Present sa special day ng newly weds ang kanilang mga mahal sa buhay.
Si Jef mismo ang nag-anunsyo ng latest milestone sa buhay sa pamamagitan ng Instagram post kung saan ibinandera niya ang ilang throwback pictures with Renz, hanggang sa ipakita na nga ang kataga na isa na siyang “misis.”
“Our love story in 10 pictures. In God’s perfect time, true love is always worth the wait. Now, is our time, finally [heart emoji],” caption niya.
Baka Bet Mo: LJ Reyes ikinasal na sa non-showbiz partner na si Philip Evangelista, garden wedding sa US very intimate
View this post on Instagram
Sa hiwalay na IG post, makikita naman ang wedding bouquet ni Jef na puno ng sunflower, pati na rin ang isang picture habang nakasuot siya ng wedding gown kasama ang mister na nasa tila nasa harap ng altar.
“The sunflower represents lasting happiness, loyalty, and devotion. To me, it is also a symbol of joy and always looking to God for guidance. Just as I look to God for everything, my devotion now is to look only at my husband and to serve him faithfully and lovingly,” wika niya sa post.
View this post on Instagram
Bukod diyan, ipinasilip din ng aktres ang ilan sa mga bigating personalidad na nagsilbi nilang principal sponsors sa kasal.
Kabilang na riyan ang mga senador na sina Grace Poe, Lito Lapid at Manny Pacquiao.
Si Renz ay tumampok sa ilang TV series katulad ng “Ang Probinsyano,” “Cain at Abel” at ang Philippine adaptation na “Descendants of the Sun.”
Si Jef rin ay nasilayan sa “Ang Probinsyano,” pati na rin sa “Maalaala Mo Kaya” at “Darna.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.