Cristine proud sa anak na nag-compete ng gymnastics sa HK, wagi ng 3 medalya
ISA nanamang proud mom ang aktres na si Cristine Reyes!
Matapos kasi ang moving up ceremony ng kanyang anak na si Amarah, nag-uwi naman ito ng tatlong medalya matapos magwagi sa nakaraang Asian Gymnastic Club Tournament na ginanap sa Hong Kong.
Sa Instagram, all out support ang ibinandera ni Cristine kung saan ibinandera niya ang ilang videos ng pagpunta nila sa nasabing bansa.
Kasama ng mag-ina ang boyfriend ng aktres na si Marco Gumabao, pati na rin ang kapatid niyang si Ara Mina at anak nito na si Amanda.
Baka Bet Mo: Cristine binago ang lifestyle para sa anak: Gusto kong maging role model ako sa kanya
View this post on Instagram
Sa hiwalay na IG post, makikita naman ang ilang snaps ng mga kaganapan sa competition day ni Amarah, pati na rin ang pagtanggap niya ng mga medalya.
May clip din si Marco kung saan sinorpresa niya ang anak ni Cristine ng isang pink rose.
“We are bringing home three shiny medals!” proud na proud na caption ng aktres.
Mensahe niya, “Your hard work paid off, and we couldn’t be prouder of you, Amarah.”
View this post on Instagram
Magugunita noong nagdaang Mayo lamang nang ipinagdiriwang ni Cristine ang naging moving up ni Amarah, kung saan present ang ama nito na si Ali Khatibi.
Nakatanggap din ng awards ang tsikiting.
View this post on Instagram
Matatandang noong 2015 nang ipanganak ni Cristine si Amarah at matapos ang isang taon ay ikinasal ang aktres at si Ali.
Hindi naman nagtagal ay naghiwalay ang dating mag-asawa.
Sa naging guesting ng aktres sa “Fast Talk With Boy Abunda,” inamin niyang isang taon na silang annulled ni Ali.
Kwento ni Cristine, hindi nag-work out ang kanilang marriage dahil hindi pa sila matured ng dating mister sa pag-handle sa kanilang responsibilidad bilang mga magulang.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.