Vice: Si Duterte ang iboboto ko... kaya lang di naman siya tatakbo! | Bandera

Vice: Si Duterte ang iboboto ko… kaya lang di naman siya tatakbo!

Reggee Bonoan |September 22,2015
facebook
share this

Vice: Si Duterte ang iboboto ko… kaya lang di naman siya tatakbo!

Reggee Bonoan - September 22, 2015 - 02:00 AM

vice ganda

Inamin mismo ni Vice Ganda na kung sakaling kakandidatong Presidente sa 2016 election si Davao City Mayor Rodrigo Duterte ay iboboto niya ito.

“Gusto ko sana si Duterte, e, hindi naman siya tatakbo. Kaya mag-iisip-isip pa ako,” ang pahayag ng It’s Showtime host.Binanggit naman kay Vice si dating DILG Sec. Mar Ro-xas, “Ano ba, iboboto ko o ieendorso ko? Kung iboboto ko, madali lang ‘yan kasi sarili ko lang.

Pero kung ieendorso ko, mahirap kasi kailangan kong pag-isipan ‘yan kasi marami akong tao na iimpluwensiyahan. “At least kung iboboto ko at nagkamali ako, sarili ko lang sisisihin ko, kung nang-impluwensiya ako, mahirap ‘yun,” paliwanag mabuti ni Vice.

Hindi close sina Vice at Korina Sanchez-Roxas pero mabait daw sa kanya ang Ra-ted K host at hindi naman daw nila napag-uusapan pa ang tungkol kay Mar Roxas.

Noong kumandidato ba si Noynoy Aquino sa pagka-Pangulo ng Pilipinas ay inimpluwensiyahan siya ni Kris Aquino na bestfriend at “asawa” niya? “Sa totoo lang, walang ganu’n hindi niya ako inimpluwesiyahan sa mga ganu’ng bagay, iba ‘yung relasyon namin ni Kris pagdating sa ganyan.

“Alam kasi ng mga tao na ganu’n si Kris, na iniimpluwensiyahan niya ako, pero never niyang ginawa at alam niyang hindi niya ako maiimpluwensiyahan kasi may sarili naman akong isip,” ani Vice.

At higit sa lahat ay hindi pa raw gaanong kilala si Vice noong 2010 kaya walang kumuha sa kanya para mag-endorso ng pulitiko.

Sabi pa ni Vice baka siya pa ang nang-iimpluwensiya kay Kris lalo na nu’ng nagtanggal siya ng make-up na ipinost sa social media na ginaya nga ng Queen of All Media kaya na-ging isyu ito.

Diretso ang tanong namin kung boto si Vice kay Quezon City Mayor Herbert Bautista para sa kanyang “asawa”, “Mabait sa akin ‘yun, eh. Si Mayor, mabait siya sa akin,” mabilis niyang sagot sa amin.

Dugtong pa niya, “Kung anuman ‘yung relasyon nilang dalawa (HB at Kris), e, iba rin naman ang relasyon namin ni Bistek at iba rin naman ang relasyon namin ni Kris.

“Sabi ko sa kanya (Kris) noon pa na may edad ka na, kung ano ‘yung makakapagpasaya sa ‘yo ngayon at hindi mo alam kung hanggang kailan ang buhay natin, don’t miss the opportunity. Ang dami mo na rin isinacrifice sa buhay, if it’s worth the sacrifice, go!” sabi ni Vice.

Sa tingin ba niya, worth it si Bistek kay Kris? “Only she can tell, kung saan siya masaya. Kasi kung pakikinggan mo ang opinyon ng ibang tao, ikaw din naman ang malulungkot pag nag-isa ka na.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Dadamayan ka ba ng mga taong ‘yan kapag malungkot ka?” paliwanag ng TV host. Iniyakan na ba siya ni Kris pagdating sa lalaki? “Yung iyak na hagulgol, hindi pa.

Pero ‘yung iyak lang na parang, ‘Ano ba ‘yan asawa…’ ganu’n lang. Pero she shares. Hindi naman iyakin si Kris,” sabi pa ng TV host-comedian.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending