Ang anak ba ng amo ang makakatuluyan? | Bandera

Ang anak ba ng amo ang makakatuluyan?

Joseph Greenfield - September 22, 2015 - 03:00 AM

Sulat mula kay Joanne ng San Isidro, Matalom, Leyte
Dear Sir Greenfield,

Ako ay 20 years old na sa darating na September 29, two years na akong naninilbihan bilang kasambahay o katulong dito sa mga amo ko. Ang problema nagkagusto sa akin ang anak ng amo ko na 25 yeras old naman ang edad. At dahil mabait siya sa akin at siya ang madalas na nakakakuwentuhan at nakakasama ko sa bahay, na-develop na rin ako sa kanya at napamahal. Ang problema bagamat nagmamahalan kaming dalawa ay tutol sa pag-iibigan na-ming ito ang mga magulang nya. Kaya sabi nya sa akin ay mag-ingat na lang daw kami, at ilihim daw ang rela-syon namin hanggang kaya pa naming ilihim. Kaya lang kahit inililihim na nga namin ito sa pakiramdam ko alam na rin ito ng ma-gulang nya kaya balak ko ng umalis sa bahay na ito, para wag ng lumaki pa ang ka-guluhang ginawa namin. Ano ba ang dapat kong gawin, sabi naman ng boyfriend ko kapag daw ako umalis sa bahay nila magkikita pa din naman daw kami. Itatanong ko lang kung kami na ba ang magkakatuluyan at compa-tible ba kami? September 29, 1995 ang birthday ko at January 16, 1990 naman ang birthday ng boyfriend ko.
Umaasa,
Joanne ng Leyte
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Medyo magulo at biyak ang unang Marriage Line (Illustration 1. arrow 1.) sa iyong palad, pero malinaw at maganda naman ang ikalawa (arrow 2.). Ibig sabihin hindi ang unang boyfriend mo ang iyong makakatuluyan. Nangangahulugan din ito na kung ang boyfriend mo na anak ng iyong amo at siya ang unang BF, tiyak ang magaganap, hindi siya ang makakatuluyan mo.

Cartomancy:
Two of Spades, Ace of Diamonds, at Queen of Clubs ang (Illustration 1.) ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing kung halimbawang hindi ang kasalukuyan mong boyfriend ang iyong makakatuluyan, walang alinlangang sa iyong pag-aasawa, tiyak naman ang magaganap – sa bandang huli, mayaman at may kaya din naman sa buhay ang lalaking makaka-tuluyan, mapapangasawa at makakasama mo habang buhay.
Itutuloy…

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending