Ella Cruz nilait-lait ng bashers dahil sa pekeng balakang
When Ella Cruz performed sa NCAA Season 91, marami raw ang nakapansin na meron siyang padding sa hips para magmukhang malaki ang kanyang balakang.
Agad-agad ay na-bash ang dalaga dahil kahit na magaling siyang mag-Twerk It Like Miley ay nakaagaw ng kanilang attention ang hip pads ng dalaga.
Marami rin naman ang nagdepensa kay Ella, like this one who said, “So? Bawal mag lagay ng hip pad? Grabe kaloka mga tao! Daming problema sa mundo hip pad pa ni ella ang prinoblema nyo!
“Mga feeling perfect sa buhay. Kaloka! At sa mga di natutuwa kay ella try nyo po muna itanong kung natutuwa din sya sa inyo ha! Im not a fan pero naiirita lang ako sa ugali ng mga bashers dito! Dahil lang sa hip pad???”
Oo nga naman. Bakit kailangan n’yo pang pansinin ang ba-lakang niya. Another one also defended Ella, “Wala naman po sigurong masama kung mag hihip pad siya? at tsaka bakit yung iba di ba gumagamit ng hip pad, addict lang yung mga basher, walang makitang mali kaya lahat ginagawa para mapalabas lang na bad si ella , ganda nga niya eh, inggit kayo…… lalaki po ako at crush ko siya.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.