Bryan Llamanzares nakiusap sa mga nanlalait kay Grace Poe
NAKIUSAP ang anak ni Sen. Grace Poe na si Bryan Llamanzares sa bashers at haters na maghinay-hinay naman sa pagbatikos at panlalait sa kanyang ina dahil tao rin ito na nasasaktan at naaapektuhan.
Sa nakaraang presscon ng bagong teleserye ng TV5 na My Fair Lady kung saan sinorpresa niya ang bida ritong si Jasmine Curtis at inaming matagal na niyang crush ang dalaga, nagsalita ang binata tungkol sa pagiging emosyonal ni Sen. Grace sa nakaraang speech nito tungkol sa mga ampon.
Dito ay sinabi ni Brian na natural lang sa isang ina ang maging emosyonal, “Well, my mom is a strong person talaga. Pero kasi, tuluy-tuloy ang isyu na ‘yan, ayaw magbitaw ng mga kalaban niya.
I just think na, for my mom, there’s only so much you can take. Even if you’re a strong person, when it’s something close or personal as an issue like that…” ani Bryan.
Dagdag pa nito, “Well ganun naman talaga, hindi maiiwasan na may mga haters, may mga bashers, may mga black propaganda. I was saying nga earlier sa previous interviews ko.
“That’s what we’re worried about talaga for my sisters who are still in college and grade school. I just hope that people who are commenting negatively realized that my mom is a mom, who has a family. The things that they post online are also read by my sisters,” aniya pa.
Sa tingin ba niya, makakaapekto sa desisyon ng nanay niya ang walang tigil na pa-mababatikos sa kanya, lalo na ng mga kalaban niya sa politika, “You see, kaya nga sinabi ng nanay ko na talagang nag-iisip pa siya.
Ngayon pa lang, wala pa siyang announcement, tinitira na siya, may black propaganda na. “Talagang my mom is still thinking about it. And I keep reminding her na kahit mahirap ngayon, isipin mo na lang.
Whatever decision you make, you’re responsible for the country after 2016,” pahayag pa ng binata.
Kung matatandaan, napaiyak si Sen. Grace habang nagbibigay ng kanyang speech tungkol sa adoption.
Ayon sa anak nina FPJ at Ms. Susan Roces, kapag sa Senado naman daw ay hindi siya nagi-ging emosyonal sa kanyang mga ipinaglalabang isyu ngunit kapag ang usapan ay napupunta sa pag-ampon ng bata ay talagang damang-dama niya ang kahulugan nito.
“Ang pagiging magulang ay di lamang dahil niluwal o pinanganak mo sila; ang pagiging magulang ay pagmamahal, oras, at sakripisyo sa anak,” anang senadora.
Aniya, ang mga magulang na nag-aampon ay kahang-hanga sapagkat walang silang ibang motibo kundi ang magmahal at mag-aruga ng isang nilalang na hindi nila kadugo ngunit nangangaila-ngan ng magulang.
Inalala ni Sen. Grace ang kanyang mga magulang na sina yumaong Fernando Poe Jr. at ang asawa nitong Susan Roces, tinaguriang King and Queen of Philippine Movies, na kumupkop at nagpalaki kay Grace bilang kanilang tunay na anak.
Ni minsan, ani ng senadora, walang kwestiyon na ang nais lamang ng kanyang mga magulang ay mahalin siya ng lubos.
“When I was adopted by my parents, there was no question they were acting out of any other motive than pure love. My advocacy of adoption is therefore a homage to them, and my love letter, returning a love that cannot even begin to equal the love that they had poured on this foundling from the start, which left no doubt in my mind that I was unquestionably, unconditionally and truly their daughter, period,” pahayag ni Sen. Grace.
Isinusulong ni Sen. Grace ang isang panukalang Senate Bil 2892, upang gawing mas mabilis ang proseso ng pag-register ng isang foundling, na aniya ay makakapagpadali din sa proseso ng pag-ampon, kung kinakailangan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.