Storm signal number 3 itinaas dahil kay Ineng | Bandera

Storm signal number 3 itinaas dahil kay Ineng

Leifbilly Begas - August 20, 2015 - 03:09 PM

pagasa
Itinaas ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration ang public storm warning signal sa mas maraming lugar sa paglapit ng bagyong Ineng sa kalupaan. Ayon sa PAGASA palalakasin ng bagyo ang Hanging Habagat sa Metro Manila, Region 4A at 4B, Bicol Region at Western Visayas na magdadala ng pag-ulit. Magiging maalon din ang coastal areas sa Cagayan at aabot sa 2.5 metro ang taas ng mga alon. Kahapon ay itinaas ang public storm signal no. 3 sa Batanes Group of Islands, hilagang bahagi ng Cagayan, Babuyan at Calayan Group of Islands. Signal no. 2 naman sa iba pang bahagi ng Cagayan, Apayao at Ilocos Norte. Signal no. 1 naman sa Isabela, hilagang Aurora, Quirino, Ifugao, Mt. Province, Kalinga, Abra at Ilocos Sur. Kahapon ang sentro ng bagyo ay nasa layong 375 kilometro sa Calayan, Cagayan. Ngayong umaga ito ay inaasahang nasa layong 140 kilometro sa Calayan at bukas sa layong 135 kilometro sa Basco, Batanes.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending