Luis itutuloy ang kasal kay Angel kahit tumakbo sa 2016 elections
Inamin ni Luis Manzano sa ginanap na presscon ng The Voice Kids 2 Final 6 na bigyan siya hanggang Oktubre para makapag-isip kung papasukin ba niya ang pulitika o hindi.
Hindi lang naman ang media ang nagtatanong kay Luis tungkol dito, maging ang girlfriend niyang si Angel Locsin ay nagtatanong na rin kung ano na ang plano niya.
“In fact we had a conversation two nights ago, were discussing my (quote, unquote) political plans, you know I need to decide soon if I feel I need to run.
Basta, ayoko muna i-reveal, kung si Grace Poe nga may time table rin para sa sarili niya,” tugon ni Luis.
Nasa 50-50% daw ang plano ng aktor sa pagsabak sa politika, “Talagang 50-50, walang 51% walang 49%, talagang 50-50.
Myself is the only one that can convince me if I run, no one can convince me, If I wake up na ‘okay I want to serve, then I will.”
Kinlaro rin ni Luis na hindi siya pinipigilan o itinutulak ng mommy niyang si Batangas Gov. Vilma Santos-Recto sa plano niya.
“No, wala, sorry for the term, sabi niya, ‘Bahala ka sa buhay mo, kahit anong gawin mo, susuportahan ka namin.’ My mom, my tito Ralph (Recto) and my dad (Edu Manzano), they never told me not to (run) or to go for it,” pahayag ng TV host.
Naitanong din sa TV host kung ano ang masasabi niya sa isyu na ginagamit lang niya ang pagiging celebrity niya, “Well, mayroon din naman kasi na talagang gumagamit, but you know, ako kasi, I have the perfect example, my mom, kumbaga sinasabi nila, ang paggiging artista is a lousy job kasi nga puro showbiz lang, pero for a few na talagang ginagawa ang trabaho nila and you know, I have the perfect example of me, my mom, she did a great job, not even a great job, she did an excellent job galing siyang artista, so bakit hindi ko puwedeng sundan,” paliwanag ni Luis.
Naitanong din ang plano ni Gov. Vilma sa 2016 election, “Wala, eh, we had dinner last month, sabi niya wala talaga at sabi nga niya, mas gusto niya ang hands-on, malay natin baka she’ll take one term pass and rest, then she’ll run for governor again or maybe she’ll go back to her roots, mag-Mayor siya ng Lipa (City), di ba puwedeng-puwede rin ‘yun kasi I’m sure na-miss siya ng mga Lipeno, malay natin di ba?
Samantala, if ever na desidido nang papasukin ni Luis ang pulitika ay hindi naman daw mauurong ang kasal nila ni Angel, “Hindi naman, parang hindi naman na alam kong may tataas ang kilay diyan na gamitan na luma na.
For example, a proposal would come, sasabihin nila, ay kasi tatakbo, ganyan-ganyan, ang mga tao parating may nasasabi,” esplika ni Luis.
At sa tanong kung anong partido siya kung sakaling tatakbo, “Well, my mom is under admin (administration) kung sakali man, inuulit ko, kung sakali man, well admin dahil naniniwala rin naman talaga ako sa kanila.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.