Si Coco ang pinaka-close sa akin at inspirasyon ko ngayon! – Julia
KAHIT anong pilit ang gawin ng press para mapaamin si Julia Montes sa isyung matagal na silang magdyowa ng Teleserye King na si Coco Martin ay talagang matigas pa rin ito sa pagtanggi.
Sa grand presscon ng bagong Serye ni Julia sa ABS-CBN, ang Doble Kara, ang palaging sinasabi ng dalaga ay super close talaga sila ni Coco at ang inaming ito ang inspirasyon niya ngayon, lalo na pagdating sa pag-iipon at paghahanda sa kinabukasan.
Nakabili na si Julia ng pangalawang bahay niya, ang una niyang nabili ay yung tinitirhan nilang pamilya sa Antipolo. “Siya (Coco) nga po yung sinasabi ko na super close ko at inspiration ko ngayon.
Makikita mo ang journey niya from way back…hindi naman siya Coco Martin agad, tinrabaho niya talaga at yun din ang gusto kong mangyari sa career ko.”
Natanong ang dalaga kung nakapunta na siya sa mala-hotel na mansiyon ni Coco, aniya, “Hindi pa po kasi hindi pa niya ako ini-invite, hanggang Kris TV ko lang siya napanood.
Sinabi ko, pero busy pa po, at saka hindi pa naman siya nagpapa-party.” Kamakailan ay nabuking ng madlang pipol na sila ang magka-date sa ginanap na premiere night ng “The Love Affair”, kaya hirit na tanong uli kay Julia kung handa na ba siyang makipagrelasyon kay Coco sakaling seryosohin na nito ang panliligaw sa kanya? “Siguro paalam muna siya sa lola ko! Ha-hahaha!”
“Hindi, actually, close sila (ni lola) dahil siguro lola’s boy rin si Coco. Ang hirap sabihin dahil super close talaga kami kaya hindi ko masabi na, sige, ready na.
Siguro go with the flow lang din at hindi ko naman maikakaila na siya talaga ang close ko ngayon.”
Samantala, dalawa ang magiging leading man ni Julia sa Doble Kara dahil dual role nga ang gagampanan niya sa serye—sina Edgar Allan Guzman at Anjo Damiles.
May nagtanong sa aktres kung siya ba yung tipo ng leading lady na nai-in love sa kanyang mga nakakatambal? “Fall? Hindi ko pa po siguro naiisip yun, lalo na nga- yon, doble po ako.
Ang hirap pong ipasok sa isip yun, wala po talaga. Siguro friendship po, magde-develop ang friendship,” tugon ng dalaga.
Ang focus ngayon ni Julia ay ang kanyang career, naniniwala siya na may tamang panahon ang lovelife, “Kapag may duma- ting…lahat naman po ng bagay na nangyayari sa buhay ko, ipinagdarasal ko.
Kung darating, will ni Lord.” Nang matanong kung tumatanggap pa ba siya ng ibang manliligaw, chika ni Julia, “Medyo strict po ako. Ha-hahaha!” E, baka naman daw si Coco ang nagbabawal sa kanya na magpaligaw sa iba? “Hindi, walang ganu’n!”
Sa tono ng pananalita ni Julia sa presscon ng Doble Kara, feeling namin, talagang ang magpayaman at i-secure ang kanyang future ang prio- rity niya ngayon at hindi ang pakikipag-boyfriend.
“Gusto ko lang umahon kung ano kami dati at gusto ko lang din pong ma-secure yung future ng mga kapatid ko. Kung anuman ang hirap na naranasan ko, ayokong maranasan nila yun.
Naibibigay ko naman po, pero gusto ko po hanggang future ng mga kapatid ko, ma-secure ko talaga,” diretsong sabi ng Kapamilya leading lady.
Samantala, mas magniningning pa ang hapon ng TV viewers simula sa Lunes (Agosto 24) sa pagbubukas ng pinakabagong Kapamilya Gold drama series ng ABS-CBN na Doble Kara tampok ang tinaguriang Royal Prinsesa ng Drama na si Julia Montes.
Mula sa kanyang markadong pagganap sa mga dekalibreng teleserye tulad ng Mara Clara, Walang Hanggan, Muling Buksan Ang Puso, at Ikaw Lamang, bibigyang buhay naman ni Julia sa Doble Kara ang mga karakter ng magkakambal na sina Sarah at Kara.
“Sa dami ng mga role na nagampanan ko na hindi para sa edad ko, masasabi ko talaga ngayon na ito ang pinaka-challenging na proyekto na ibingay sa akin.
Dahil hindi lang puso at isip ang kailangang ibigay ko dito kundi pati na rin ang buong pagkatao ko,” pahayag ni Julia.
Iikot ang kwento ng serye sa buhay nina Sarah at Kara, ang kambal na nabuhay sa isang masayang pamilya sa kabila ng kanilang kahirapan.
Ngunit dahil nagkaroon ng malubhang sakit si Kara, mapipilitan ang kanilang ina na paghiwalayin ang kambal at ibigay si Kara sa kanilang tunay na ama dahil wala silang sapat na pera para maipagamot ito.
Ano ang gagawin nina Sarah at Kara sa oras na muli silang pagtagpuin ng tadhana matapos ang mahabang panahon? Paano nga ba magbabago ang samahan ng dating hindi mapaghiwalay na magkapatid ngayong magkaiba ang buhay na kanilang kinalakihan?
Makakasama rin dito sina Carmina Villarroel, Ariel Rivera, Mylene Dizon, Gloria Sevilla, John Lapus, Allen Dizon at Alora Sasam, sa direksyon nina Emmanuel Palo at Jon Villarin.
Huwag palampasin ang pagsisimula ng Doble Kara ngayong Lunes, after Flordeliza sa ABS-CBN Kapamilya Gold.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.