William Ramirez Archives | Bandera

William Ramirez

Kinaltas na sweldo ng PH athletes gamitin nang tama

KAMAKAILAN lang ay inanunsyo ng Philippine Sports Commission (PSC) na babawasan nila ang mga sahod ng mga national athletes ng 50 porsiyento ngayong darating na Hulyo para masiguro na ang ahensya ay may sapat na pondo hanggang Disyembre. At kabilang ang professional tennis player na si Francis Casey Alcantara sa mga atletang maapektuhan ng pagkaltas […]

PSC: Wala pang Covid-19 infections sa mga athletes, coaches

PSC Chairman William Ramirez SINABI ng Philippine Sports Commission (PSC) nitong Miyerkules na wala pa silang natatanggap na ulat na mayroon ng mga national athletes na may sintomas ng coronavirus disease (COVID-19) infection magmula nang iutos ang enhanced community quarantine (ECQ) sa buong Luzon para mapigilan ang paglaganap ng nagsabing global pandemic. “As of this […]

Ramirez binuksan ang Philsports para sa national para-athletes

PARA makatulong sa paghahanda ng Philippine para-athletes sa 2020 Asean Para Games binuksan ng Philippine Sports Commission (PSC) ang bagong ayos na Philsports Complex sa Pasig City. “The renovations done in both Rizal Memorial and in Philsports are primarily for our elite athletes,” sabi ni PSC Chairman William Ramirez. Kaya kahit mahigit isang linggo pa […]

2020 Palarong Pambansa gaganapin sa Mayo 1-9 sa Marikina

BUMISITA noong Martes ang mga opisyal ng Department of Education (DepEd) at Philippine Sports Commission (PSC) sa Marikina City para tingnan ang mga pasilidad na gagamitin para sa 2020 Palarong Pambansa ngayong Mayo 1 hanggang 9. Nakipagkita sina DepEd Secretary Leonor Magtolis Briones at PSC Chairman William Ramirez kay Marikina City Mayor Marcelino Teodoro para […]

Bilib kina Butch at Baham

HINDI dapat manaig ang mga sigalot na nagiging dahilan ng pagkahihiwalay at pagkabigo sa panahong kailangan ng pagkakaisa upang matiyak ang tagumpay. Ito ay garantisado hindi lang sa mga malalaking organisasyon kundi maging sa maliliit na grupo. Siyempre pa, hindi nawawalan ng mga KSP (kulang sa pansin) o ng mga taong wala lang magawa at […]

Hinaing ng mga atleta sa NSA diringgin ng PSC

SINIMULAN na ng Philippine Sports Commission (PSC) ang serye ng dayalogo sa mga national sports associations (NSAs) partikular na ang mga may problemang internal upang pakinggan ang mga hinaing ng mga atleta, coaches at lider nito. Una nang hinarap ng PSC ang mga dating miyembro ng Philippine Taekwondo Association (PTA) naglabas ng kanilang hinaing. Ayon […]

Duterte inimbitahan sa Batang Pinoy Finals

INIMBITAHAN ng nag-oorganisang Philippine Sports Commission (PSC) si Pangulong Rodrigo Roa Duterte para siyang maging panauhing pandangal sa gagaganapin na pambukas seremonya ng Batang Pinoy National Championships 2018 na isasagawa sa Setyembre 15-21 sa Baguio City, Benguet. Maliban kay Duterte ay inimbitahan din ang mga opisyales mula sa Philippine Olympic Committee (POC) pati na iba’t-ibang […]

Cebu City palaban sa Batang Pinoy Visayas leg

DUMAGUETE City – Isa sa mga pinakaunang dumating na local government unit dito ang nagtatanggol na kampeong Cebu City para lumahok sa 2017 Batang Pinoy Visayas Leg na isasagawa Nobyembre 10 hanggang 16 sa iba’t-ibang lugar ng Negros Oriental. Kabuuang 2,504 na ang mga kabataang lalahok sa ikalawang yugto ng qualifying leg para sa mga […]

Pagsali ng PH chess team sa Vietnam nanganganib

MAGTUTUNGO sa Sabado, Marso 11, ang pito kataong national chess team upang makipagpigaan ng utak sa 7th HD Bank Cup International Open Chess 2017 sa First Hotel sa Ho Chi Minh City, Vietnam sa Marso 12-18. Subalit dahil sa unliquidated account ng kinabibilangang National Chess Federation of the Philippines (NCFP) nanganganib hindi makaalis ang bumubuo […]

Pilipinas imbitado sa 2019 Arafura Games

ISA ang Pilipinas sa mga bansa na inimbitahan sa nakatakdang pagbabalik ng Arafura Games. Ito ang inihayag kamakailan ni Philippine Sports Commission (PSC) Executive Assistant to the Chairman Ronnel Abrenica matapos ang pormal na imbitasyon sa ginanap na pakikipagpulong ng ahensiya sa bansa sa bumisitang delegasyon mula sa Australia. “So far, the Philippines was among […]

PNG overall champion tatanggap ng P5 milyong premyo

MAGBIBIGAY ang Philippine Sports Commission (PSC) ng kabuuang P5 milyon sa kauna-unahang pagkakataon bilang premyo sa tatanghaling pangkahalatang kampeon sa pagsasagawa nito sa taunang Philippine National Games (PNG) na planong ganapin sa Setyembre o Oktubre sa Cebu City. Ito ang magkasalong inihayag nina PSC Chairman William Ramirez at Commissioner Ramon Fernandez sa pagsasara ng inorganisa […]

What's trending