SINIMULAN na ng Philippine Sports Commission (PSC) ang serye ng dayalogo sa mga national sports associations (NSAs) partikular na ang mga may problemang internal upang pakinggan ang mga hinaing ng mga atleta, coaches at lider nito.
Una nang hinarap ng PSC ang mga dating miyembro ng Philippine Taekwondo Association (PTA) naglabas ng kanilang hinaing.
Ayon kay PSC Chairman William Ramirez, wala silang planong makialam sa problema ng NSAs ngunit nais nilang pakinggan ang panig ng lahat ng mga miyembro ng NSA at humanap ng solusyon kung mayroon man.
“We are here not to intervene but to listen,” pahayag ni Ramirez. “What we can do is to present this to the consultative meeting with the POC and help them find a solution.”
Kabilang sa guidelines ng PSC para sa nasabing dayalogo ang pakinggan kung anuman ang hiling ng mga dating miyembro ng NSAs, makipag-ugnayan sa mga ito at hanapan ng solusyon.
“After these series of dialogues, the complaints and information we will gather, we will discuss this on Wednesday, Nov. 14, with my Board of Commissioners, the Executive Director, Deputy Executive Directors, my chief of staff and four lawyers who have background in sports,” ayon pa kay Ramirez.
Pormal na isusumite ng PSC ang mga hinaing sa kanilang consultative meeting kasama ang POC sa unang linggo ng Disyembre at inaasahan na may aksyon agad ang nasabing kumite hinggil dito.
Nakatakda na ang pagpulong ng PSC sa mga NSA ng Table Tennis, Dragonboat at Swimming na may mga problema rin sa liderato.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.