Julia inamin ang tunay na relasyon sa isang PBB housemate | Bandera

Julia inamin ang tunay na relasyon sa isang PBB housemate

Ambet Nabus |July 03,2015
facebook
share this

Julia inamin ang tunay na relasyon sa isang PBB housemate

Ambet Nabus - July 03, 2015 - 03:00 AM

JULIA BARRETTO

JULIA BARRETTO

Matindi ang balitaktakan ngayon sa social media ng netizens na may samut-saring opinyon tungkol sa mga nagaganap sa loob ng PBB house ni Kuya?

Na-play up nang husto ang teen romance sa pagitan nina Barbie at Bailey, at ang “bromance” nina Bailey at Kenzo.

May mga nakarating na ngang reklamo sa MTRCB na agad ding nagpadala ng imbitasyon sa mga nagpapatakbo ng programa at nagpalabas na nga ng kautusan para um-attend ng “developmental conference concerning children’s rights and protection.”

Marami na kasi ang nababahala sa mga nangyayari sa show lalo pa’t puro mga menor de edad karamihan ang nasa loob ng Bahay ni Kuya.

May mga nagsasabing “pakulo” o gimik lang ang mga ito para lalong pag-usapan ng viewers at laging mag-trending sa social media, pero mas marami pa rin ang nag-aalala na mapariwara ang mga bagets dahil sa pinaggagagawa nila sa PBB house.

Well, ano nga ba talaga, Kuya?

Samantala, grade school pa raw since huling magkaroon ng komunikasyon sina Julia Barretto at ang kontrobersiyal na PBB teen housemate na si Kenzo.

Ito mismo ang naging paliwanag ni Julia nang maglabasan ang mga social media post ng diumano’y pagkakaroon nila ng relasyon noon ni Kenzo. Dinenay ni Julia na naging sila ng teen housemate, magkaklase lang daw sila talaga. Hay, publicity, publicity, publicity! Ha-hahaha!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending