Coco Martin pinuri ang PNP matapos dumalo sa flag-raising sa Crame | Bandera

Coco Martin pinuri ang PNP matapos dumalo sa flag-raising sa Crame

- May 25, 2015 - 04:33 PM

coco martin
NAKUHA ng Philippine National Police (PNP) ang respeto ni Coco Martin matapos namang sumailalim sa ilang serye ng pagsasanay kaugnay ng kanyang pagganap bilang isa sa mga miyembro ng Special Action Force (SAF) na napatay sa operasyon sa Mamasapano, Maguindanao noong Enero 25, 2015.
Dumalo si Martin sa flag raising ceremony sa Camp Crame kahapon kung pinasalamatan pa niya ang mga pulis sa kanilang serbisyo sa bansa.

“Noong panahon na nagte-training ako para gampanan ko ang buhay ng isang SAF 44, ngayon po nag-training din po ulit ako para gampanan ang buhay ng isang pulis, sobra po akong humahanga sa inyong lahat. Sa dedikasyon at hirap na pinagdaanan sa inyong mga training,” sabi ni Martin.
Gumanap si Martin, na Rodel Nacianceno sa totoong buhay, bilang Chief Inspector John Garry Erana sa drama anthology ng ABS-CBN na “Maalala Mo Kaya” habang gumanap naman ang aktres na si Angel Locsin bilang Suzette Tucay, ang kasintahan ni Erana.

“Sana po magkaroon din sila ng pagkakataon na makausap kayo at maintindihan kung ano ng klaseng paghihirap, kung anong klaseng buhay araw-araw ang dinadanas niyo, sa lahat ng hirap niyo sa training para protektahan kami, gabayan at alagaan kaming mga mamamayan,” dagdag ni Martin.
Binigyan naman si Martin ng isang itim na jacket na nakasulat ang kanyang pangalan at ang salitang “Police.”
Gaganap din si Martin sa remake ng “Ang Probinsyano” ni Fernando Poe Jr.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending