Sarah kay Matteo: Sana po siya na ang huli! | Bandera

Sarah kay Matteo: Sana po siya na ang huli!

Ervin Santiago |April 16,2015
facebook
share this

Sarah kay Matteo: Sana po siya na ang huli!

Ervin Santiago - April 16, 2015 - 02:00 AM

sarah geronimo

Muling nakiusap si Sarah Geronimo sa madlang pipol na ibalato na lang sa kanila ni Matteo Guidicelli ang kanilang relasyon.

Natanong kasi ang Pop Princess sa isang event kung totoong hindi pa rin tanggap ng magulang niya si Matteo bilang boyfriend niya, pero umiwas si Sarah sa issue, “Mahirap kasing i-divulge ang mga ganyang klaseng detalye,” she said.

“Gusto naming gawing private din ‘yung relasyon namin at bilang respeto sa kanya, kay Matteo, at sa pamilya ko, sa amin na lang po ‘yon.”

Pero aniya, kung ang pag-uusapan ay ang relasyon niya sa pamilya ni Matteo, “Very warm sa akin. ‘Yun ang pamilya na mayroon sila – very open-minded.”

Feeling ba niya, sila na ang magkakatuluyan ng Kapamilya actor? “Hindi naman natin madidiktihan ang future, hindi ba? I’m hoping na sana siya na ang huli. Pero nagdarasal tayo. Kung ano ang will ng Diyos, ‘yun pa din.

“First time po nangyayari sa akin lahat, so big leap siya sa akin. imagine, ngayon ko lang ito nae-experience. So nagiging learning process siya sa akin.

Marrying age na ako, mas matanda ako sa kanya, pero ‘yung knowledge ko sa pagmamahal, sa relationship, ay zero talaga. Hindi naman sa zero pero parang elementary pa lang.

“Ganoon kami pareho, bigayan, intindihan, may di pagkakaunawaan minsan pero natututo kami. So sana kahit anong mangyari ay matuto kami at nandodoon pa din ang respeto namin sa isa’t isa,” esplika pa ni Sarah.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending