Nash Aguas wala pang alam sa kamunduhan | Bandera

Nash Aguas wala pang alam sa kamunduhan

Ervin Santiago - January 11, 2015 - 03:00 AM

nash aguas
SUMUSUMPA ang Kapamilya teen drama actor na si Nash Aguas na wala pa siyang kaalam-alam sa kamunduhan. Sa thanksgiving presscon ng Primetime Bida series na Bagito na pinagbibidahan nga nina Nash, Alexa Ilacad at Ella Cruz, siniguro ng binatilyo na wala pa siyang “karanasan” tulad ng katakter niya sa nasabing teleserye na nakabuntis nga sa edad na 16.

Ayon kay Nash, mabait daw siyang anak, hindi rin siya mahilig sa gimik, madalas daw kapag wala siyang trabaho ay nasa bahay lang siya at naglalaro ng computer.

Sa seryeng Bagito, kilalang-kilala na si Nash ng madlang pipol bilang si Drew na nakabuntis ng isang college student (ginagampanan ni Ella). Kaya naman natanong ang bagets actor na sa edad din niyang 16 ay “bagito” pa ba siya?

Natawa muna si Nash saka sumagot, “Oo naman, malamang. Oo naman. Lumaki nga po ako na pinalaki ni Mommy na laging nagdadasal. So bago mangyari yun, si Lord muna. Iniisip ko muna si Lord.”

Ibig sabihin nito, ibang-iba si Drew kay Nash. So, paano niya nabibigyan ng justice ang pagganap bilang batang ama? “E, yun nga po, e. Nu’ng una, kinakabahan po talaga ako, kasi hindi ko alam kung saan ako huhugot.

Pero actually, habang nagti-taping po kami, dala-dala ko yung bata, nag-i-imagine ako na talagang anak ko siya.  “At nakakadala naman talaga yung baby.

‘Pag may hawak ka ng baby, kasi first time kong maghawak ng mga babies, so parang naramdaman ko na kung ano yung nararamdaman ni Drew kung mawawala yung baby.

So actually nasa imagination lang siya talaga,” hirit pa ni Nash. Inamin din ng teen actor na nagdalawang-isip siya noon kung tatanggapin ang nasabing serye dahil baka hindi niya magampanan nang bonggang-bongga ang kanyang role.

Pero aniya, hindi siya nagkamali na tanggapin ang offer ng Dreamscape Entertainment dahil napakaraming pumupuri ngayon sa kanya bilang magaling na aktor at puro positive ang feedback ng mga viewers sa kuwento ng Bagito.

“Una po nag-hesitate po kami nung last quarter ng 2014 tapos dadaan yung Pasko…sa ngayon naman, sobrang natutuwa naman po kami sa ratings ng Bagito, and nalagpasan namin yung Christmas season and mataas pa rin.

“So thankful po kami sa mga tao na kahit traffic sa EDSA, maaga pa rin sila umuuwi para manood,” aniya pa. Isa pang tanong kay Nash ng press kung ipinagdasal ba niya na mabigyan din ng sariling soap opera one day, ang tugon ng binatilyo, “Actually po ipinagdadasal ko siya dati pero nung medyo nagbibinata na ako parang, ‘Kung hindi naman po meant to be sa akin, parang okay lang,’ ganun na po yung mga dasal ko.

“Pero binigyan naman ako ni Lord ng bagong blessing, ito nga pong Bagito, and so thankful talaga ako na nagawa ko po nang maayos,” aniya pa.

In fairness, hindi lang sa pag-arte nakikilala ngayon si Nash, tinitilian at pinagkakaguluhan na rin siya ng mga girls dahil sa galing niyang kumanta at sumayaw.

Winner na winner ngayon ang grupo nilang Gimme5 (na kinabibilangan din nina Joaquin Reyes, John Bermundo, Grae Fernandez at Brace Arquia).

Pero siyempre, hindi rin maiiwasan ang mga intriga, lalo na sa grupo nila. Marami ang nagsasabi na napag-iwanan na niya nang milya-milya ang mga kagrupo niya sa Gimme5.

“Hindi naman po siguro napag-iwanan, kasi kasama pa rin po sila sa Bagito. And sa tingin ko naman, time will come na meron din sila.

“Kasi siyempre ako po, nag-start akong bata and naghintay rin naman po ako ng 10 years bago magka-Bagito. E, sila, bagong pasok and nagka-teleserye agad. I think, blessed pa nga po sila,” magandang paliwanang ni Nash Aguas.

Samantala, magaganap ang malaking pagbabago sa buhay ng mga karakter nina Nash, Alexa at Ella sa pagbubukas ng bagong kabanata ng top-rating primetime drama series ng ABS-CBN na Bagito.

“Malaking blessing po para sa amin ang pagdating ng Bagito last year. Kaya bilang pasasalamat po ngayong bagong taon, marami po kaming mga pasabog sa kuwento na mas tututukan nila tulad ng mga pagbabago sa buhay ng karakter kong si Drew bilang isang teenager, isang ama, at isang anak,” ani Nash.

“Sigurado pong makaka-relate ang viewers, lalo na po ‘yung mga kabataang gaya namin, sa new chapter ng buhay nina Drew, Camille at Vanessa.

Mas marami pong matututunan ang viewers tungkol sa pag-ibig, sa pakikipagkaibigan, at sa pagsunod sa mga utos ng magulang,” dagdag ni Alexa na gumaganap sa kwento bilang si Camille, ang bestfriend ni Drew.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kasama rin sa Bagito na napapanood  gabi-gabi, mula Lunes hanggang Biyernes, bago mag-TV Patrol, sina Agot Isidro, Ariel Rivera at Angel Aquino, sa direksyon nina Onat Diaz at Jojo Saguin.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending