Relasyong Willie-Danita Paner tanggap na ni Daisy Romualdez | Bandera

Relasyong Willie-Danita Paner tanggap na ni Daisy Romualdez

Jobert Sucaldito |May 28,2014
facebook
share this

Relasyong Willie-Danita Paner tanggap na ni Daisy Romualdez

Jobert Sucaldito - May 28, 2014 - 03:00 AM


I HAD a nice talk with our dear Mama Daisy Romualdez over the phone yesterday dahil tinawagan ko siya right after mabasa ko sa isang tabloid (not in this newspaper) na magdyowa na raw sina Willie Revillame at anak niyang si Danita Paner.

Palagi naman kasi kaming nagkakasama ni Mama Daisy pero hindi namin napag-uusapan ang anything tungkol dito dahil clueless ako sa mga kaganapan sa kanila lately, lalo na kay Danita.

Iba naman ang kalakaran namin nina Mama Daisy – we have fun just about everywhere most especially sa isang tambayan namin kasama ang iba naming friends.

“Minsan magkasama kami nina Willie sa Tagaytay. Kasama ko ang mga anak ko including Danita. Kasi nga, very good friends kami ni Willie noon pa.

Ang huling sabi sa akin ni Willie noon ay walang malisya ang closeness niya kay Danita. I trusted him sa sinabi niyang iyon sa akin. Pero halimbawa man ay naiba ang ihip ng hangin, wala naman tayong magagawa, eh.

Nasa wastong pag-iisip na si Danita and she can decide for herself. “Kung halimbawa ma’y niligawan nga siya ni Willie at nagustuhan niya, mapipigilan ba natin iyan? Sabi nga nila, mahirap pagilan ang dalawang taong nagmamahalan, kahit harangan mo man iyan ng sibat,” ang napakagandang sabi ni Mama Daisy.

Puwede naman talagang mangyari iyon, eh. Danita is such a very beautiful lady na kahit sinong lalaki naman talaga ay mapapalingon pag ito ay dumadaan.

She’s very talented at looker talaga. Kaya hindi isyu kung magkagusto man si Willie sa kaniya – na kay Danita iyon kung type din niya si Willie. Sabi ko nga kay Mama Daisy – hindi natin alam kung minsan kung sino ang katapat natin sa buhay.

Malay natin that these two souls may just click, baka mabago ni Danita ang love-style ni Willie – baka matigil na ang image nitong palikero kung mahusay ang pagdala ni Danita sa kanilang relasyon and malay din natin na matigil na rin si Danita sa katitingin sa mga guwapong boys sa paligid if Willie has already conquered her heart.

Iyon ay kung totoong sila na nga ang magkarelasyon. Natawa nga ako nu’ng isang araw, nu’ng hindi pa napapangalanan sina Danita and Willie. Kasi may nabasa na akong blind item about this pero hindi ko mahulaan.

The next day ay nagulat na lang ako at bumungad sa harap ko ang isang newspaper carrying the story on Willie and Danita. Sabi ko lang sa sarili ko, “Ah, sila pala yung tinutukoy sa blind item.” At bigla akong natawa sa sarili ko.

Sa katinikan ko sa paghula minsan sa blind items, dito ako sumablay – sa mga taong hindi na iba sa akin. Parang anak-anakan ko na kasi itong si Danita at si Willie naman ay minsan kong naging “best friend”, di ba? Ha-hahaha! Kaloka! I just wish them the best.

“Sa pagkakaalam ko ay hindi totoo ang balitang iyan. Pero kung sakali mang mauwi roon, wala na tayong magagawa. May mga isip na sila para makapag-decide for themselves.

Ang hindi ko lang siguro matanggap ay ang pagsapit ng panahong umiiyak na magsumbong ang anak ko dahil halimbawa’y inapi ni Willie, martilyo ang aabutin sa akin ni Willie. Ha-hahaha!” ani Mama Daisy.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

( bandera.ph file photo )

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending