Vilma Sa Pagtakbo Sa 2016 Presidential Election: Hindi Po, Ayokong Magplano!
SA ikalawang pagkakataon ay muling ng nag-renew ang Star for All Seasons ng panibagong kontrata sa The Generics Pharmacy para ipagpatuloy ang nasimulang misyon para tumulong sa mahihirap.
Sabi nga ni TGP President at CEO Benjamin Liuson, “Vilma Santos-Recto is more than just a celebrity, she is an icon and highly-respected public servant that shares the same vision and values as we do with regard to healthcare, making her the obvious choice as our brand endorser.
“In fact, she has already started massive health campaign in her home province to promote awareness on the use of generics as an alterantive to more affordable yet still equally safe and effective medicines,” aniya pa.
Bagay na inayunan ni Gov. Vi, “Ang Batangas po ay mayroong 12 district hospitals, nu’ng maging governor po ako, apart of our housekeeping, nalaman kop o na kaya pala maraming umaangal na mahihirap kasi ang mahirap pala kapag pumunta sa isang public hospital at wala namang facilities na gagamitin sa public hospital, walang choice ang mahihirap but to go to a private hospital na sisingilin sila.
“So ang unang-unang binigyan namin ng prayoridad sa pondo po ng Batangas ay ang pagre-rehabilitate at expansion ng 12 district hospitals in the province.
“And apart of that ay ‘yung paglalagay ng procurement ng pondo para makabili po ng X-ray, lahat ng pupuwedeng magamit ng pasyente na kakailanganin nila kapag pumunta sila sa isang public hospital. Paglalagay ng mga tamang gamot, paga-ayos ng emergency rooms,” kuwento pa ng aktres-politiko.
Nabanggit din na nagpamahagi rin si Ate Vi ng Philhealth cards para sa less fortunate bilang pases para hindi raw masingil ng sobra-sobra.
Napakalaki raw ng nagawa ng TGP dahil ng unang i-offer daw sa kanya ito bilang endorser ay tinanong niya kung effective ang gamot, kung pasado sa Bureau of Food and Drug Department at mas lalo raw natuwa ang Star for All Seasons na sobrang mura ng mga gamot.
Nabanggit din na sobrang maliit lang ang pondo ng Batangas at hindi kayang bumili ng branded medicines, “Our funds is very limited, ilang tao ‘yan we have 2.5 million ang Batangas.”
Samantala, sa huling termino ni Ate Vi bilang gobernadora ng Batangas ay natanong siya kung may plano siyang tumakbo sa mas mataas na posisyon, “No, ayoko pong magplano dahil ang konsentrasyon ko ngayon ay itong last term ko to finish my last term with honors.
“Kailangan kaya kong ipagmalaki itong last term ko, so iyon ang konsentrasyon ko without even thinking na may political ambition ako sa isang national position,” pahayag nito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.