RICHARD, LUCY tinawag na walang kuwenta nang ‘MAG-SELFIE’ sa Leyte | Bandera

RICHARD, LUCY tinawag na walang kuwenta nang ‘MAG-SELFIE’ sa Leyte

Alex Brosas - November 14, 2013 - 03:00 AM


Sa panahon ngayon na sensitive ang mga tao lalo na sa social media ay kailangang mag-ingat ang mga celebrity lalo na ‘yung nakapuwesto.

Nasabi naming ito dahil ang daming naimbiyerna sa mag-asawang Cong. Lucy Torres at Richard Gomez dahil talagang ipinost pa ni Lucy sa kanyang Instagram ang photo nila na kuha habang nasa tabi nila ang chopper.

Ang daming hate messages ang tinanggap ng dalawa. Kung nakamamatay lang ang mga taray sa kanila ay baka namatay na sila.

Sa aming nabasa sa isang website ay puro panlalait ang inabot ng mag-asawa. Bakit daw nakuha pa nilang magpakuha ng picture habang nasa tabi ng chopper. Ano raw ba ang purpose ng kanilang selfie photo.

Isang girl ang nagtaray at talagang sinabing “useless politician” at “just a beautiful face” si Lucy. Ouch! Ang sakit no’n, ah. Meron pang nag-comment na kesyo nakarating daw ang isang relative niya sa Ormoc na nag-travel by land.

Kinontra talaga niya ang sinasabi ni Lucy na impassable raw ang mga daan papuntang Ormoc. One woman, obviously outraged by the selfie photo of the couple, asked kung meron bang lamang relief goods ang chopper nina Richard at Lucy.

Nabanas na si Richard sa mga banat sa kanilang mag-asawa kaya naman rumesbak siya and said, “Sige umiyak ka habang tumutulong at iselfie mo!”

“Sana sa Ormoc ka nakatira para maexperience mo ang mga nagaganap dun, tapos magcomment ka,” litanya naman ni Richard sa isang babaeng nag-comment nang negative.

Nagpaliwanag naman ang babae na nabiktima siya ng storm Sandy sa New Jersey at kaagad silang tinulungan ng governor at congressman sa pamamagitan ng pagbibigay ng “money, dry goods and shelter”.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending