ATE VI tumangging MAG-TWITTER, natatakot maranasan ang nangyari noon kay SHARON
Tigilan na raw ang fan mentality awayan kina Gov. Vilma Santos and Nora Aunor. Ate Vi achieved something no female star of any generation has done; finished three terms as a city mayor sa Lipa and then got elected three terms din as a provincial governor sa Batangas.
Trail-brazing pa rin ang achievements niya hanggang ngayon, something her contemporary can only dream about specially sa mundo ng politics. Sa showbiz where she started, marami pa rin siyang achievements na unbeatable including her eight Urian trophies for Best Actress that is not yet erased by any stars.
Kaya nga buhay na buhay na naman ang rivalry nila ng kaniyang kumareng superstar, si Ate Guy. While she acknowledges the rivalry dahil kailangan daw talaga ito, sana raw iwasan na ang tirahan when being compared to each other at sana raw mag-mature na ang issue.
Nakakasawa na nga naman na na talagang tumitira na lang ang iba just for the sake of it mabuti na lang hindi pumapatol si Gov. Vi sa mga ganitong issues. One reason why she is not in Twitter hindi niya rin daw kayang hindi sumagot kung sakaling may mag-bash sa kaniya just like Sharon Cuneta.
Anyways, going back to her oath-taking sa Batangas last Friday, ngayon lang namin napansin that it is only Gov. Vi ang elected official from the province na galing showbiz.
All provinces around Metro Manila have at least three or more stars na elected from governor din to the city councilors pero tanging ang Batangas lang ang may nag-iisang artistang iniluklok sa puwesto and that’s Ate Vi nga.
Again, that’s another achievement dahil sabi nga niya, Batangas is the land of the barako and yet she got the position in landslide votes pa talaga.
Kaya kapag nagkakaroon ng comparison between the two big stars, nakakatawa na lang basahin dahil ano ba naman ang ipantatapat sa mga achievement na ito ni Gov. Vi, hindi ba? Agree?
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.