PBA fans tuloy pa rin ang pang-aasar kay James: I-shoot mo ang bola para kay Kris! | Bandera

PBA fans tuloy pa rin ang pang-aasar kay James: I-shoot mo ang bola para kay Kris!

Cristy Fermin |June 26,2018
facebook
share this

PBA fans tuloy pa rin ang pang-aasar kay James: I-shoot mo ang bola para kay Kris!

Cristy Fermin - June 26, 2018 - 12:25 AM

KRIS AQUINO AT JAMES YAP

Hindi lang ang nalalapit na panganganak ni Ellen Adarna sa panganay nila ni John Lloyd Cruz ang inaabangan ngayon, ang ikalawang anak nina James Yap at Michela Cazzola ay hinihintay na rin ng ating mga kababayan, baby girl ang magiging anak ng girlfriend ng basketbolista.

Malaking isyu na naman ito kapag nagkataon, siguradong may mga mang-iinis na naman kay Kris Aquino, dahil nakakadalawang anak na si James sa kanyang karelasyon.

Walang anumang lumalabas na pahayag si James sa mga ipino-post ni Kris tungkol sa pagiging ama niya kay Bimby, mas maganda na raw ang tahimik lang siya, para madaling matapos ang kuwento.

‘Yun naman talaga ang tanging maaaring gawin na paraan ngayon ni James, ang manahimik na lang, dahil kapag sumagot pa siya ay parang nambulabog siya ng kuta ng langgam.

Nu’ng nakaraang laban ng Rain Or Shine, ang koponan ngayon ni James Yap, ay hindi pa rin siya nakatatakas sa mga pangangantiyaw ng ating mga kababayang mahilig sa basketball. Habang nagpi-free throw siya ay dinig na dinig ang malakas na boses ng isang miron, “James, i-shoot mo, para kay Kris!”

Deadma lang naman ang basketball player, sanay na siya sa mga ganu’ng eksena lalo na nu’ng kahihiwalay pa lang nila ni Kris, mas matitindi pa nga nu’n ang natitikman niya.

Nu’ng kahihiwalay pa lang nila at lumabas ang kuwento ng kanilang paghahatian sa kanilang mga propyedad ay may mga sumisigaw, “James! Balato naman d’yan!”

Deadma pa rin si James Yap dahil mas mahalaga para sa kanya ang maisyut ang bolang inaasinta niya sa goal.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending