Willie wala pa ring lovelife; napagod na sa paghahanap ng bagong dyowa? | Bandera

Willie wala pa ring lovelife; napagod na sa paghahanap ng bagong dyowa?

Cristy Fermin |June 23,2018
facebook
share this

Willie wala pa ring lovelife; napagod na sa paghahanap ng bagong dyowa?

Cristy Fermin - June 23, 2018 - 12:20 AM

WILLIE REVILLAME

TAHIMIK ang lovelife ni Willie Revillame. Walang nakikitang special girl maging ang kanyang staff na isinasama ang sikat na aktor-TV host sa studio ng Wowowin.

Madaling malaman kapag may girlfriend si Willie, kasama niya ang babae sa kanyang rehearsal, sa mismong show, kahit saan, kailangang inspirado siya sa pagtatrabaho.

Napagod na nga ba sa pakikipagrelasyon si Willie? Kung paanong para lang siyang nagbibihis nu’n sa pagpapalit ng girlfriend ay ganu’n naman siya katahimik ngayon.

Sabi ng isang common friend namin ni Willie, “Siguro, pangmatagalan na ang hinahanap niya ngayon, hindi na basta girlfriend lang, ‘yung makakasama na niya nang habambuhay.

“Aba, nakakapagod ding maging playboy, a? Sa una, e, masaya ang ganu’n, pero sa katagalan, e, maiisip mo rin na isang babae nang makakasama mo nang matagalan ang hahanapin mo.

“Parang ganu’n na si Willie ngayon. Kung karelasyon lang ang hanap niya, e, napapaligiran siya ng magaganda at seksing girls, pero wala na sa kanya ang ganu’n ngayon,” komento ng aming kaibigan.

Ang pinaghuhugutan na ng kaligayahan ni Willie Revillame ay ang mga kababayan nating kapuspalad na natutulungan niyang magkaroon ng panibagong buhay dahil sa Wowowin.

“Masaya akong umuuwi kapag may nananalo ng jackpot sa show, ‘yun ang happiness para sa akin, ang maging instrument ako sa pagkakaroon nila ng magandang buhay,” madalas sabihin ng aktor-TV host.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending