'Teleserye ng GMA puro na lang agawan sa lalaki ang tema!' | Bandera

‘Teleserye ng GMA puro na lang agawan sa lalaki ang tema!’

Alex Brosas - March 12, 2018 - 12:20 AM

RYZA CENON, GABBY CONCEPCION AT SUNSHINE DIZON

IISA lang ba ang tema ng mga teleserye ng GMA 7.

One friend realized that most, if not all, of GMA teleseryes border on pag-aagawan sa iisang lalaki.

In one soap, Ryza Something and Sunshine Something were at odds dahil kay Gabby Something.

Sa story about kambal, naglalaban sina Bianca Something and Kyline Something over Miguel Something.

It’s Mikael Something naman who is the man of contention nina Katrina Something and Megan Something.

Sina Sanya at Thea Something ay iisang guy lang din ang pinag-aagawan, si Rocco Something.

Sa isang soap, tatlo ang nag-aagawan kay Dennis Something, sina Lovi, Rhian and Max Something.

Na-realize kaya ‘yan ng mga taga-GMA, na puro agawan sa isang lalaki ang tema ng kanilang teleserye?

q q q

Natunghayan na ng mga manonood ang pinaka-aabangang pagkikita ng magkamukhang sina Mona at Lisa, na parehong ginagampanan ni Jodi Sta. Maria, sa morning serye ng ABS-CBN na Sana Dalawa Ang Puso.

Sa paghahanap ng solusyon ni Lisa para atrasan ang kasunduang kasal nila ni Martin (Richard Yap), nakipagkita siya kay Donnie Pamintuan (Victor Silayan), isa ring negosyante na makakatulong sa kanilang kompanyang LGC, sa Club Manila E.

Hindi naman niya inasahan na sa pag-alis sa nasabing club ay bigla na lang bubulaga ang hilong-hilong si Mona na tinatakasan naman si Mr. Chua, ang boss ng pinagkaka-utangan niyang si Mr. Supapi (Leo Martinez).

Ang pagkikita na kaya nila ang solusyon sa kani-kanilang problema?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sinabi ni Mona kay Lisa na gagawin niya ang lahat para ma-kabayad sa utang na loob kaya naman mukhang naisip ni Lisa na pagpanggapin ito bilang siya.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending