Ai Ai kailangang magsakripisyo para mabigyan ng anak si Gerald Sibayan | Bandera

Ai Ai kailangang magsakripisyo para mabigyan ng anak si Gerald Sibayan

Cristy Fermin |February 27,2018
facebook
share this

Ai Ai kailangang magsakripisyo para mabigyan ng anak si Gerald Sibayan

Cristy Fermin - February 27, 2018 - 12:20 AM

AI AI DELAS ALAS AT GERALD SIBAYAN

KAILANGANG magbawas ng trabaho ng Comedy Concert Queen para matupad ang pangarap nila ng kanyang mister na makahabol pa sa biyahe sa pagkakaroon ng anak.

Kailangang magsakripisyo ni Ai Ai delas Alas, dapat siyang magbawas ng work load, para maregaluhan niya ng baby ang kanyang mister na si Gerald Sibayan.

Aminado naman si Ai Ai na ‘yun na lang ang kulang sa relasyon nila ngayon ng badminton trainer, anak na lang talaga nilang sarili, dahil nandiyan naman ang kanyang mga anak na itinuturing na ring sariling anak ni Gerald.

“Walang-wala akong naging problema kay Gerald pagdating sa mga anak ko. Nu’ng una pa man, talagang magkakasundo na sila agad, lalo na si Sancho na naging kabarkada pa nga niya.

“Ramdam naman kasi ng mga anak ko na hindi lang ako mahal ni Gerald, nirerespeto pa, kaya nakuha niya agad ang loob ng mga anak ko,” kuwento ng komedyana.

At may bagong trabahong pinagkakaabalahan ngayon si Ai Ai, siya ang tumatayong manager ng Ex Battalion, ang sikat na grupo ng mga rapper ngayon na mabentang-mabenta sa ating mga kababayan.

Kung kilala nga namin si Ai Ai delas Alas, hindi naman siya ang tipo ng manager na kaya lang humawak ng aalagaan ay para sa komisyon, baka nga abono pa siya ngayon para sa mga ginagawa niya sa grupo.

“Wala lang, gusto ko lang tumulong, ganu’n lang ‘yun! Magagaling ang mga bata, kailangan nila ng suporta, kaya tinutulungan ko sila,” tumatawang sabi ng Philippine Comedy Queen.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending