Kathryn, Daniel nominado sa 2017 Blue Star Awards ng Vietnam

December 06,2017
share this

Kathryn, Daniel nominado sa 2017 Blue Star Awards ng Vietnam

December 06,2017
share this

DANIEL PADILLA AT KATHRYN BERNARDO

PANIBAGONG good news na naman ang natanggap ngayong araw ng tambalang KathNiel.

Parehong nakakuha ng nominasyon sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo sa Blue Star Awards ng Vietnam.
Makikipaglaban si Kathryn sa Best Foreign Actress category kung saan nominado rin sina Meg Imperial at Andrea Torres.
Si Daniel naman ay nominado sa Best Foreign Actor category. Makakalaban naman niya  rito sina JC de Vera at Mikael Daez, bukod pa sa mga foreign actors na nakakuha rin ng nominasyon.
Para sa Favorite Foreign Film category, nominado naman ang teleserye nina Kathryn at Daniel na Pangako Sa ‘Yo pati na rin ang Moon of Desire ng ABS-CBN at Sana Ay Ikaw Na Nga ng GMA 7.
Kung matatandaan, nagwagi rin sina Kathryn at Daniel bilang Best Foreign Actress and Best Foreign Actor para sa serye nilang Got To Believe sa Vietnam’s Face of the Year noong 2016.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

TODAY'S ISSUE OF BANDERA
What's trending