Quantcast
Ekstra lang daw siya sa MMFF entry ng anak

KRIS: Sina BIMBY at VIC ang bida sa ‘TORKY AND MY LITTLE BOSSING’!

By

MEGA react na naman ang madlang pipol kay Kris Aquino nang mabasa nila na may pelikula siyang gagawin kasama si Vic Sotto para sa 2013 Metro Manila Film Festival, ang “Torky and My Little Bossing”.

Tanong nga ng isang kapitbahay namin ano na raw ang nangyari sa naging pahayag noon ni Kris sa isang interview na aalis na  siya sa showbiz para alagaan na lang ang kanyang mga anak?

Actually, nag-resign naman talaga siya, pero hindi siya pinayagan ng ABS dahil may kontrata siya na hanggang ngayong taon na kailangan niyang tapusin ang lahat ng programang umeere. Ang management ang nakiusap kay Kris na huwag iwan ang Kris TV dahil may 55 staff na mawawalan ng trabaho.

Pumayag si Kris na ituloy ang Kris TV hanggang matapos ang kontrata niya ngayong taon, hindi lang namin alam kung magre-renew pa siya o hindi na. At tungkol naman sa pelikulang “Torky and My Little Bossing”, hindi raw si Kris ang bida sa pelikula kundi ang bunso niyang anak na si Bimby.

Nabanggit dati ng TV host-actress na may gagawing pelikula si Bimby para sa MMFF pero hindi pa  niya idinetalye ito noon dahil may meeting pa raw siya with the producers. Ito na nga ‘yun, ang “Torky and My Little Bossing” at isa si Kris sa producers kasama ang Octoarts/M-Zet/APT Productions.

Inamin ito ni Kris sa amin nang i-text namin siya habang nasa Singapore, “I’m not the star, Reggs, si Bimby ang bida with Vic, special participation lang for me.”   Muli naming tinanong kung ano ang istorya ng movie pero hindi na niya kami sinagot dahil, “Reggs, I’ll answer tomorrow, (Huwebes) okay? We are packing pa, leaving Singapore tonight (Miyerkules).”

Akala namin ay sa Kris TV niya ito ia-announce pero hindi pala live ang nasabing programa dahil buong Hunyo ay naka-tape na ang mga episodes nila. “Pagdating kasi ni Madam (Kris), naghahanda naman siya for Baguio trip, so wala pong schedule talaga for live, sobrang busy po niya.  Maski nga po sa July, wala rin kaming schedule for live. Lahat naka-tape na rin po,” sabi  ng taga-Kris TV.

Complete stories on our Digital Edition newsstand for tablets, netbooks and mobile phones; 14-issue free trial. About to step out? Get breaking alerts on your mobile.phone. Text ON INQ BREAKING to 4467, for Globe, Smart and Sun subscribers in the Philippines.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Copyright © 2014,

To subscribe to the Philippine Daily Inquirer newspaper in the Philippines, call +63 2 896-6000 for Metro Manila and Metro Cebu or email your subscription request here.

Factual errors? Contact the Philippine Daily Inquirer's day desk. Believe this article violates journalistic ethics? Contact the Inquirer's Reader's Advocate. Or write The Readers' Advocate: c/o Philippine Daily Inquirer Chino Roces Avenue corner Yague and Mascardo Streets, Makati City, Metro Manila, Philippines Or fax nos. +63 2 8974793 to 94



TODAY'S ISSUE OF BANDERA

Advertisement