Vilma sa bashers ni De Lima: Tao pa rin siya at isang babae!

By Ambet Nabus November 29,2016
share this

Vilma sa bashers ni De Lima: Tao pa rin siya at isang babae!

By Ambet Nabus November 29,2016
share this

vilma santos at leila de lima

“JUST don’t forget that she’s still human, at isang babae,” pahayag ni Rep. Vilma Santos-Recto nang hingan namin ng opinyon tungkol sa pinagdaraanan ngayon ni Sen. Leila de Lima.

Bilang isang mambabatas, babae at ina, gustong iparating ni Ate Vi sa mga nag-iimbestiga at nagtatanong sa mga pagdinig sa Kongreso at Senado at pati na sa media, na mas maging issue-based ang lahat, hangga’t maaari ay iwasan sana ang personal na bangayan at pag-sensationalize sa isyu.

“Lahat naman tayo gusto nating marinig at malaman kung ano ang totoo. Pero sa proseso, let’s still consider our subjects to be humans like us and yes sa kaso nga ni Sen. de Lima, babae pa rin siya who needs respect,” pahayag pa ng kongresista ng lone district of Lipa City.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

TODAY'S ISSUE OF BANDERA
What's trending