PH dragonboat team kumubra ng 5 gintong medalya | Bandera

PH dragonboat team kumubra ng 5 gintong medalya

Angelito Oredo - November 13, 2016 - 11:00 PM

PUERTO PRINCESA City — Humakot ng dalawa pang gintong medalya at isang pilak ang  mga Pilipinong paddlers upang iangat ang naiuwi nitong medalya sa kabuuang limang ginto at tatlong pilak sa pagtatapos dito ng 2016 Asian Club Crew at Palawan Dragonboat Open sa bagong gawa na parke na Baywalk.

Idinagdag ng mga miyembro ng Philippine Canoe-Kayak Dragonboat Federation (PCKDF) ang 20-seater standard men at small boat men sa 200 meters upang iuwi ang lima sa walong gintong nakataya sa torneo na isa sa tampok na aktibidad sa ginaganap na Puerto Princesa Festival.

Itinala ng Pilipinas ang oras na 46.935 segundo sa standard boat men upang talunin ang Chinese Taipei na halos isang buong bangka ang layo sa oras nito na 49.692 segundo habang pinakamabilis din ito sa small boat men sa 46.808 segundo upang daigin ang Japan (48.681), Indonesia (48.903) at Chinese Taipei (50.518).

Nagkasya naman ito sa pilak sa junior mixed team sa oras na 51.54 segundo kontra sa Chinese Taipei na may 50.65 segundo.

Nabali naman ang paddle ni Ojay Fuentes matapos nitong mapagdiskitahan paluin nang tumapos lamang na ikalima ang Pilipinas sa small boat men 10-seater na siyang pinakamababang puwesto ng koponan. Nagwagi sa event ang Indonesia (46.31) bago sinundan ng Japan (50.34), Chinese Taipei (50.79), Hong Kong (51.46) at Pilipinas (51.59).

“Medyo kinakabahan ang ating mga national paddlers noong una dahil malalakas ang kalaban nila pero medyo na-challenged sila na hindi sila dapat mapahiya lalo na nasa sarili nila silang bayan kaya laban talaga sa lahat ng mga events na kasali sila,” sabi ni PCKDF president Jonne Go.

“Kinausap ko rin si Ojay dahil nabali ang paddle niya at nag-sorry naman siya dahil nahampas niya kasi ang gusto lang daw niya ay manalo ang team at lumaban sila ng husto dahil nakakahiya na kulelat sila,” sabi pa ni Go.

Una nang nagwagi ng tatlong gintong medalya at dalawang pilak ang PH dragonboat squad sa pagwawagi 20-seater men’s 500m at junior mixed 500m Biyernes ng umaga para matagumpay nitong maipagtanggol ang kanilang mga medalya na kanilang napanalunan dalawang taon ang nakalipas sa Thailand.

Nagdagdag din ng pilak sa 10-seater men at ang bagong buo na koponan sa 10-seater women sa 500m.
Hindi naman nagpaiwan ang bagong buo lamang na Philippine women’s team na nasa una pa lamang nitong pagsali sa internasyonal na torneo matapos na dominahin ang small boat women para sa ikatlong medalya ng Pilipinas.

“We never expected them to win the gold dahil malakas talaga ang Thailand. Wala pa iyan halos two months nabuo at ngayon lang talaga nagkasama-sama dahil madalas sila sa mixed team kaya nagulat kami noong naungusan nila sa first heat tapos hinabol ang Thailand sa last 50 meters ng second heat para manalo,” sabi ni PCKDF national head coach Lenlen Escollante.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending