Jennylyn-Coco movie ilalaban sa MMFF 2016; Vice, Daniel out na?
HOW true na ang pelikulang pagsasamahan nina Jennylyn Mercado at Coco Martin ang isasali ng Star Cinema sa 2016 Metro Manila Film Festival?
Out na nga ba ang matagal ng planong pagsamahin sina Daniel Padilla at Vice Ganda sa isang MMFF entry? Sa pagkakaalam namin at sa naging interview noon sa yumaong direktor na si Wenn Deramas, ang movie nina Daniel at Vice ang isasali sa MMFF 2016.
At dahil wala na si direk Wenn, kaya wala na rin sa plano ang DJ at Vice tandem ng Star Cinema? O, dahil wala pa silang naisip kung sino ang magdidirek nito dahil proyekto nga ito ni direk Wenn? Hunyo pa lang naman at medyo maaga pa, knowing Star Cinema ba bigla na lang nanggugulat sa kanilang mga proyekto.
Going back to Coco at Jennylyn tandem, nakakagulat lang ito dahil parang ang bilis ng follow-up movie ng aktres sa Star Cinema – pagkatapos ng “Just The 3 of Us” nila ni John Lloyd Cruz ay heto’t si Coco naman ang makakatambal niya.
Hindi kaya may magtampo sa mga artista ng ABS-CBN dahil baka isipin nila na mas binibigyan pa ng importansiya ang artistang hindi naman nakakontrata sa kanila? Well, business is business talaga sa showbiz industry.
Aba’y hindi rin naman lugi ang Star Cinema at ABS-CBN kay Jennylyn dahil pawang hit ang mga pelikula niya mula sa “English Only Please”, “#Walang Forever” (na pawang kasama sa MMFF) at ito ngang “Just The 3 of Us” na kumita ng mahigit P180 million. At aminin man o hindi ay muling sumigla ang pangalan ni Lloydie mula nang magtambal sila ni Jen. Naging mahina kasi sa takilya ang past movies niya nitong mga nakaraang taon.
At hindi lang naman si Jen ang panonoorin ng moviegoers dahil nariyan si Coco Martin, ang certified Teleserye at Primetime King. Consistent pa rin ang pagiging number one sa ratings game ng FPJ’s Ang Probinsyano bukod pa sa pagiging highest grossing MMFF entry sa kasaysayan ng Pelikulang Pilipino na “Beauty And The Bestie”.
Mukhang sinusuwerte talaga si Jennylyn dahil isa si Coco sa pangarap niyang makatambal sa bakuran ng Star Cinema bukod kay Lloydie. Actually, tatlo ang pangarap ni Jen na makasama sa movie, at kasama nga riyan si Piolo Pascual. At hindi rin naman ito imposibleng mangyari dahil malaki ang tiwala ng Star Cinema sa magic ni Jennylyn bilang rom-com actress.
So, sino ang magdidirek ng Coco at Jennylyn tandem? Since action-romantic-comedy ito for sure, mamimili na lang kami kina direk Cathy Garciat Mae Cruz-Alviar? Unless may mga bago na namang ginu-groom na direktor ang Star Cinema?
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.