Pia, Sam ibinuking ni Piolo, matagal nang may 'relasyon' | Bandera

Pia, Sam ibinuking ni Piolo, matagal nang may ‘relasyon’

Reggee Bonoan |February 01,2016
facebook
share this

Pia, Sam ibinuking ni Piolo, matagal nang may ‘relasyon’

Reggee Bonoan - February 01, 2016 - 02:00 AM


sam milby

Kaya naman pala kinikilig pareho sina Sam Milby at 2015 Miss Universe Pia Alonzo-Wurtzbach sa nakaraang Grand Homecoming ng dalaga kasama ang past beauty queens ng Bini-bining Pilipinas sa Araneta Coliseum ay dahil may nakaraan pala ang mga ito.

Base rin ito sa pambubuking ni Piolo Pascual sa nasabing event na napanood kagabi sa Sundays Best sa ABS-CBN. Mukhang marami ngang alam si Piolo tungkol sa dalawa dahil nga noon pa sila close ni Sam.

May nakausap kaming taga-ABS-CBN na umaming naging “hot item” pala noon sina Sam at Pia na hindi lang naamoy ng entertainment media dahil hindi naman nila nababanggit sa kanilang interview ang isa’t isa.

Talaga lang? Nakalusot sila sa pang-amoy namin? Anyway, naging abala na raw pareho sina Sam at Pia kaya natigil ang pagkikita nila pero sa ginanap na Star Magic Ball noong 2015 ay muling nagkita ang dalawa at talagang may spark pa rin daw ang mga tinginan nila.

Hindi lang namin natandaan ang pangalan ng artistang ikinuwento sa amin ng taga-Dos na nanunukso kina Sam at Pia sa Star Magic Ball dahil ang bilis-bilis nitong magsalita bukod pa sa nagmamadali kaming maglakad.

Dagdag sabi pa ay parehong walang ka-date sina Sam at Pia kaya sila tinutukso at pareho naman daw nagkasama sa iisang lamesa pero biglang may tumawag sa aktor kaya napatayo at hindi na nakabalik pa.

Binanggit ding textmates sina Sam at Pia bossing Ervin at maski raw noong nasa Amerika si Miss Universe ay may komunikasyon pa rin sila. Sa madaling salita, hindi lang ngayong nanalong Miss Universe si Pia kaya nag-uusap sila ni Sam, dati pa pala ay may konek na sila.

Hmmmm, gusto naming makuha ang mismong sagot nina Sam at Pia kaya nagpa-schedule kami ng interview, wish lang namin na mapagbigyan kami dahil pareho silang busy ngayon.  Akalain mo, mabilis pala itong leading man ni Julia Montes sa Doble Kara akala kasi namin ay mabagal ang binata pagdating sa girls.

Anyway, congrats na rin pala sa seryeng Doble Kara dahil winner siya sa ratings game noong Huwebes na nakakuha ng15.1% kumpara sa katapat nitong programa na 12.4% .

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending