Ang INC at ang Mafia | Bandera

Ang INC at ang Mafia

Ramon Tulfo - January 23, 2016 - 03:00 AM

ANG Iglesia ni Cristo (INC) ay maihahambing sa Mafia ng America .

Pareho silang may mga galamay sa gobiyerno at sa ilang sektor ng lipunan.

Pareho silang kinatatakutan ng kanilang mga miyembro, at maging taga-labas, dahil sa kanilang taglay na kapangyarihan at impluwensiya.

Ang pagkakaiba lang ay ang INC ay isang relihiyon na itinatag sa ating bansa, na tinuturuan daw ang mga miyembro ng pagmamahal sa kapwa, samantalang ang Mafia ay isang criminal gang na pumapatay.

Pero pareho ang dalawa sa paraan upang sundin ng kanilang mga miyembro ang vow of silence: pinatatahimik habambuhay ang mga lumabag sa panata.

Since the Mafia is not operating in the Philippines , hayaan na natin ito at ipagpaubaya na natin ito sa mga otoridad sa America .

Pag-usapan natin ang INC.

Ipinakita ng simbahan ang pangil nito nang ipinag-utos nito ang pag-aresto kay Lowell Menorca II, isang itiniwalag na ministro, upang pigilin siyang makapagtestigo sa Court of Appeals.

Kasama ni Menorca ang kanyang asawa at 2-taong gulang na anak na babae patungo sa appellate court nang sila’y masabat ng ilang pulis na diumano’y mga miyembro ng INC.

Titestigo sana si Menorca sa Court of Appeals sa kanyang demanda laban sa mga lider ng simbahan na diumano’y nagbigay ng utos na siya’y dukutin noong isang taon.

Pilit na isinama ng mga pulis na miyembro ng INC si Menorca , na ministro noon sa Bulan, Sorsogon patungong Maynila.

Sinabi niya na ipinadukot siya ng mga matataas na opisyal ng INC dahil pinaghihinalaan nila na siya ang may kagagawan ng pagpapakalat ng diumano’y katiwalaan sa loob ng INC sa online posts.

Sa madaling salita, gusto siyang patahimikin.

Sinabi ni Menorca na sa daan patungong Maynila, pinagtangkaan siyang patayin ng mga pulis pero isa sa kanila ay naawa sa kanya.

Kinulong siya sa isang jail sa Cavite at inilipat siya sa INC central compound ng hindi niya kagustuhan bago nag-utos ang Supreme Court na siya’y pakawalan.

Ang tiyempo o timing at paraan ng pag-aresto kay Menorca noong Miyerkoles ay lantarang kawalan ng paggalang ng INC sa batas.

Alam ng simbahan na papunta si Menorca sa Court of Appeals upang tumestigo, pero inaresto siya dahil sa isang warrant sa isang maliit na kaso.

Inaresto si Menorca na para siyang pusakal na kriminal samantalang ang kaso ay libel, isang non-violent crime.

Sa aking karanasan bilang columnist na maraming kasong libel na isinampa sa akin, sinasabihan ako na may nakasampa na kasong libel sa akin at ako ay pumupunta sa korte.

Hindi naman heinous crime ang libel gaya ng murder, rape o kidnapping. May mga panukala nga na gawin na lang civil case ang libel at hindi criminal case.

Ang libel ay isinampa ng ilang miyembro ng INC kay Menorca sa Lanao del Norte at ang judge at agad na nag-isyu ng warrant laban sa kanya.

Walang subpoena na natanggap si Menorca galing sa piskal ng Lanao del Norte bago isinampa nito ang kaso sa korte.

Ibig sabihin, madalian ang pag-isyu ng warrant kay Menorca .

Ganoon ang kapangyarihan ng INC.

Maraming miyembro ng INC ang nakahawak ng makapangyarihang puwesto sa Philippine National Police, Armed Forces of the Philippines, Prosecution Service, sa mga Regional Trial Courts, sa Court of Appeals at maging sa Supreme Court.

Utang nila ang kanilang puwesto sa kanilang simbahan.

May kumakalat na balita, na maaaring eksaherado, na ilang miyembro ng INC ay papatay upang ipagtanggol ang kanilang simbahan, gaya ng mga jihadists na handang pasabugin ang kanilang sarili para sa Islam.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Yan ay dahil sa matagal na indoctrination

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending