Robin bawal nang humalik ng ibang babae sa serye at pelikula | Bandera

Robin bawal nang humalik ng ibang babae sa serye at pelikula

Ervin Santiago |December 15,2015
facebook
share this

Robin bawal nang humalik ng ibang babae sa serye at pelikula

Ervin Santiago - December 15, 2015 - 03:00 AM

ROBIN PADILLA

ROBIN PADILLA

BAWAL nang makipaghalikan at makipag-love scene si Robin Padilla sa mga gagawin niyang pelikula o teleserye.

Kamakailan ay pumirma na ng kontrata si Binoe sa Kapamilya network para sa ilang proyekto at inamin niyang super excited na siya sa mga nakatakda niyang gawin sa ABS-CBN matapos ang ilang taong pagtatrabaho sa TV5.

Nang tanungin kung sinu-sino ang gusto niyang makasama sa mga gagawin niyang project sa Dos, kahit daw sino ay welcome, alam naman niyang magagaling ang lahat ng artista sa Kapamilya network.

Pero ang hiling niya sa mga bossing ng istasyon, “Ako naman ang lagi kong pinapakiusap sa pamunuan ng ABS, ‘yung father and son or father and daughter.”

Hangga’t maaari raw ay pahinga muna siya sa mga proyektong kailangan ng mga maiinit na eksena, “Sa mga leading lady strict ang parents ko eh. Bawal na ang kissing scene. Family-oriented muna. Mas gusto ko muna ang family drama.”

Ang huling proyekto niya sa ABS-CBN bago siya lumipat sa TV5 ay ang sitcom nila ni Angel Locsin na TodaMax at wala raw problema sa kanya kung magtambal uli sila ng girlfriend ni Luis Manzano, “Oo kasi hindi pa kami nakakagawa ng drama.”

Nagpakita naman ng concern ang mister ni Mariel Rodriguez kay Angel matapos itong maoperahan sa kanyang likod. Nanghihinayang din siya na hindi na magagawa ng aktres ang pelikulang “Darna”.

“Tsaka nalulungkot rin naman ako sa naganap sa likod niya. Alam mo para sa akin, sa lahat ng nabahagian ko ng training sa martial arts, siya talaga ang nakita kong may potential.

“Pero siyempre tapos na ‘yun kasi mas magi-ging masaya siya sa decision niya. Kung sino man ‘yung magiging Darna isipin nalang natin sana maging kasing ga-ling ni Angel,” dagdag na pahayag pa ni Robin sa isang panayam.

Bukod kay Robin, balik-Kapamilya na rin ang asawa nitong si Mariel Rodriguez. Wala pang detalye kung anu-anong proyekto ang gagawin ni Mariel sa 2016, pero sabi ng TV host-actress, excited na siya sa mga naka-line up na shows na gagawin niya next year.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending